CHAPTER 37 “I feel sad for her. But hon, are you sure she only sees you as a friend and ‘yung nangyari sa inyo before is purely s*x lang? Sa kwento mo kasi parang hindi,” tanong ni Leon sa kanya. Kasalukuyan silang magka-video call at nabanggit niya rito ang mga tagpo sa pagitan nila ni Vicky. Hindi nga maipinta ang mukha ni Leon habang nagkwekwento siya kanina lalo na nang ikwento niya ang parte kung saan pilit siyang inaakit ni Vicky para magtalik uli silang dalawa. Nag-iba lang ang timpla nito nang masabi niyang tinanggihan niya si Vicky kaya napaiyak ito. Kahit si Leon ay naawa sa dalaga, dahil masakit naman talagang harap-harapang matanggihan. “Sa totoo lang. Hindi na ‘ko sigurado. Ngayon ko lang siya nakitang gano'n. Nakailang break-up na ‘yon pero kahit na isang beses hindi ko nak

