CHAPTER 36 “H-ha? Dito na lang tayo. Ngayon lang uli ako makakapanood ng TV. Wala akong TV sa condo ‘di ba?” pagsisinungaling niya kahit na araw-araw naman siyang nanonood sa malaking TV sa kwarto ni Leon habang yakap-yakap siya nito mula sa likuran at nakaipit sa pagitan ng mga hita o ‘di kaya’y nakapatong ang ulo niya sa ibabaw ng mga hita nito. Tuwing gabi kapag pareho silang pagod galing sa trabaho, gano'n ang bonding nilang dalawa ni Leon, maliban na lang kapag nilambing na siya nito at ibang klaseng bonding na ang ginagawa nila. Iniangat ni Vicky ang sarili mula sa pagkakahiga sa dibdib niya at tiningnan siya na may paniningkit ang mga mata. “Kailan ka pa natutong manood ng morning news Gio? Mas gusto mo pa ngang manood ng porn at magtingin ng memes sa Facegram kesa d’yan.” Totoo

