CHAPTER 35 Nahiga si Gio sa kama, matapos nilang mag-usap ni Leon. Naisip niyang sana’y hindi na lang niya ito tinawagan dahil pinag-alala niya ito nang sobra. Paano kung hindi lang simpleng pag-semplang sa bike ang nangyari sa kanya? Hindi niya maisip kung ano’ng gagawin ni Leon. Mahal na mahal siya nito at ganoon rin naman siya, kaya nilalamon tuloy siya ng kunsensya niya. Kahit siya’y ayaw niya ang pakiramdam ng nag-aalala. Naranasan na niya ito nang atakihin sa puso ang ama. Kahit nakasakay sila sa ambulansya noon at panay tunog ng wang-wang para mabigyang daan sila sa kalsada'y panay pa rin ang pagmamakaawa niya sa driver na mas bilisan pa ang patakbo nito. At kung magagawa nga niya ng mga panahon na ‘yon na paliparin ang sasakyan ay gagawin niya umabot lang nang buhay sa ospital a

