CHAPTER 34 “What happened?” Natatawa at nakangising tanong ni Leon sa kanya. “Shhhh...” Inilagay pa niya sa tapat ng labi ang kanyang hintuturo para patahimikin si Leon. “Baka marinig ni Inay na may kausap ako rito.” “Where are you? Sa CR?” Marahil nakita nito ang shampoo rack na nasa likuran niya na nakasabit sa pader ng banyo nila na may light blue na tiles. “Wala akong ibang mataguan,” bulong niya. “Tataguan? Who? Why?” Pasimple siyang tumingin sa ibaba at nakita niyang may naghuhumindig pa rin doon. Iba ang epekto sa kanya ni Leon. Kahit wala pa itong ipinapakita, tinablan na agad siya. “W-wala. Basta. M-mamaya na tayo mag-usap uli. Tatae muna ‘ko.” Natawa na naman si Leon sa kanya at pailing-iling pa ‘to.. “You and your dirty mouth.” “Sige na. Sige na.” Paalam niya rito dah

