CHAPTER 14 Maaga pa at hindi pa tapos mag-ayos si Gio papasok ng trabaho pero may kumakatok na sa pinto niya. “Sandali!” sigaw niya habang isinasaksak ang harap na laylayan ng polo sa suot niyang pantalon. Sumilip siya sa peephole at nakita niya si Leon na nakatayo sa labas. Kahit hindi pa siya tapos sa ginagawa ay pinagbuksan na niya ito ng pintuan. “Bakit?” tanong niya habang isinasaksak naman ang likurang parte ng polo sa loob ng nakabukas na pantalon. “Sabay ka na sa ‘kin,” sagot nito habang papasok ng unit niya sabay upo sa sofa. “Magre-request ka ba uli na ipagluto kita, kaya inaalok mo 'kong sumabay sa ‘yo? Dati kasi nilagpasan mo lang ako,” biro niya rito habang naglalagay ng sinturon sa pantalon. “May atraso ka sa ‘kin noon. I have an important meeting that day, tapos binuhus

