Tahimik si Apollo, habang pinagmamasdan ang apartment nina Kimmy. Apat na araw na ang lumilipas at kahit sinabi na nina Kimmy na wala na roon si Adella, lagi pa rin siyang nagmamatyag doon. Bakit ganun? Kahit ganoon ang ginawa sa kanya ni Adella, hinahanap-hanap pa rin niya ito. Nahihirapan siyang pakawalan ito. Napaigtad siya nang may mainit na likido na namang pumatak sa pisngi niya. Agad niya iyong pinunasan. Damn! Mahal na mahal niya si Adella, hindi niya alam kung paano na naman siya magsisimula. Tumunog ang cellphone niya, si Rom ang tumatawag, hindi niya pinansin ito. Ayaw niya muna ng kausap o ano. Apat na araw na rin siyang nagkukulong sa penthouse, nagpapakalasing. Ilang saglit pa siyang nanatili roon, at nang walang bakas ni Adella, napagpasyahan na niyang umalis at bumalik

