Tuwang tuwa si Brea sa paglalangoy sa karagatan. Ipinasyal rin siya ni Cleo sa sinasabi nitong lugar na maraming mga korales at mga iba't ibang klase ng mga isdang karaniwan niya lang nakikita sa loob ng aquarium.
At dahil low tide naman ay idinala mua siya ni Cleo sa malapad na batuhan sa labas ng kweba kung saan siya muna pwedeng pumwesto at magpa-araw.
"Hindi ko inaasahan na marunong palang lumangoy ang mga taong tulad mo." hindi makapaniwalang wika sa kaniya ni Cleo habang naka-upo rin sa malapad na bato.
Nagdala na rin kasi ito ng kanilang makakain. May kinuha rin itong maliit na isdang mas maliit pa sa dilis na pwedeng kainin ng hilaw at iba't-ibang d**o ng dagat na pwedeng kainin.
Inihalo niya rito sa sea weeds na hindi niya alam ang pangalan. Ngunit bilog-bilog ang mga ito na karaniwang nakikita niya na mga binbenta sa palingke. Mas gusto niya kasi itong ihalo sa mga talaba o ganitong klaseng isda dahil may pagka anghang ang lasa nito na siyang nag-aalis sa lansa ng isda.
Dahil sa pagka-irita ni Brea sa kaniyang mahabang buhok at piniga niya muna ito upang matuyo bago inilugay sa kaniyang likuran.
Ngunit napataas naman ang kaniyang kilay nang mapatingin siya kay Cleo na ngayon ay nakatitig na sa kaniyang hinaharap. Nang ibaba niya ang kaniyang tingin ay ngayon lang niya napagtantong wala pala siyang suot na saplot o panakip man lang sa kaniyang dibdib dahil kinuha pala ito ni Cleo sa kaniya ng araw na bumalik ito sa dalampasigan ng kanilang mansion.
Mabilis naman itong tinakman ni Brea ng kaniyang kamay. Hindi niya namalayang wala siyang simuot na bra dahil meron naman siyang suot na underware bikini.
"Manyak!" ani ni Brea rito at tinapunan ng kumpol ng sea weeds sa pagmumukha si Cleo na dinampot niya mula sa mga naka lapag na kabibi.
"Wala naman akong ginagawa ah." ani nito na mas nagpainit ng kaniyang ulo.
"Anong wala, naka-tingin ka nga sa dibdib ko. Hayop kang tilalang ka!" ani niya at mabilis na tumayo upang batukan sana ang lalaki ngunit hindi niya napansin ang galamay nitong pakalat kalat sa patag na batuhan kaya natapakan ito ni Brea dahilan upang matisod ito.
Nang akmang babagsak na ang kaniyang katawan sa batuhan nang bigla na lang yumapos ang mga galamay ni Cleo sa kaniyang katawan.
"Ayan malapit ka nang matumba. Hindi ka kasi nag-iingat e." ani ni Cleo sa kaniya matapos siya nitong tulungang maupo.
"S-salamat..." mahinang usal ni Brea.
Sa pagdikit ng mga galamay ni Cleo ay muli na namamg nakaramdam si Brea ng kakaibang init na mula rito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang init na nararamdaman niya na tila inaakit siya nitong mas lalong dumikit sa katawan ng lalaki.
"Huy, natulala ka na d'yan." ani sa kaniya ni Cleo at sinundot siya nito sa braso.
Tila nagising naman si Brea mula sa malalim na pag-iisip sa ginawa nito.
"H-hah?" ani niya. Ngunit hindi pa rin maka tingin sa lalaki. Itinuon niya lang ang kaniyang paningin sa mga pagkaing naroon.
"Ang sabi ko, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan o hindi ka tumama sa batuhan?" ani nito sa kaniya.
"Oo, ayos lang ako. Kumain ka na nga lang d'yan." ani niya rito at muli nang nilangakan ang mga pagkaing naka lapag sa patag na bato.
"Yan na ata ang ugaling hindi ko maintindihan sa mga taong nakikita ko. Minsan maayos silang kausap at minsan naman ay parang sinapian." ani nito habang naka salumbaba pa sa batuhan.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Brea. "Kasalaman mo naman kung bakit malapit akong nabagok sa batuhan. Kung hindi ka lang talaga manyak." ani nito at inirapan ang lalaki.
"Tsk... ako nga na hubot hubad na nakikita mo ay walang malisya. Pero ikaw, naka tingin lang naman ako sa di kalakihan mong dibdib ay galit na galit ka na. Iniisip ko nga kung bakit hindi yan lumaki." mapang-asar na wika nito sa kaniya.
"Aba't talagang..." iniangat na ni Brea ang kamay nito upang sana ay hampasin ng kabibi ang lalaki ngunit na natili ito sa ere nang makita nakatingin si Cleo sa di kapayuan.
"Bakit? Anong meron?" ani niya rito at napatingin na rin sa malawak na karagatan.
"May limang mga pating na paparating dito." ani nito sa kaniya.
"Hah?!" agad namang nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na lumapit kay Cleo. "Bilis, umalis na tayo rito!" nagpapanic niyang wika at mabilis na yumapos kay Cleo. Dahil mabilis naman itong lumangoy, ay siguradong makakarating sila agad pabalik sa kweba.
Nagtaka naman siya nang tumawa ito ng malakas. "Bakit ka natatawa d'yan? Umalis na tayo rito, dali!" ani niya.
"Binibiro lang kita. hahahah...." ani nito.
At dahil sa inis ni Brea ay agad nitong hinila ang buhok ni Cleo dahilan upang mapadaing ito sa sakit.
"Aray babae, ang sakit!" ani nito. "Kanina mo pa ako iniinis eh." ani niya at pabalang na binitiwan ang ulo nito.
"Ang bayolente talaga ng mga tao." ani nito at muling sumisid aa katubigan.
"Teka saan ka pupunta?" ani ni ni Brea rito.
"D'yan ka lang muna. May titingnan lang ako." ani nito sa kaniya at muling sumisid na sa katubigan.
Napahalukipkip na naman si Brea sa kaniyang katawan. Hindi niya talaga mawari kung ano na ba talagang nangyayari sa kaniya. Ibang iba ang pakiramdam niya sa tuwing nadidikit ang katawan niya kay Cleo.
Mga ilang minuto lang ay bumalik na itong may dala-dalang crake na yari sa kahoy na tila nahulog mula sa dumaamg barko at naanod sa katubigan.
Mabilis naman itong ini-ahon ni Cleo mula sa katubigan at binuksan ito. Halos maliwanag ang kaniyang mga mata nang makita ang laman ng isang kahon.
"Uy, mukhang kakahulog lang nito dahil hindi pa ganoon na nababad sa katubigan." ani ni Brea at dumampot na ng isang pirasong fuji apple.
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Pa minsan ay merong mga naanod na mga ganito rito ngunit hindi lang namin pinapansin dahil hindi naman namin alam kainin." ani ni Cleo.
Sarap na sarap naman sa pag-nguya si Brea. "Tikman mo rin. Ang tamis neto." ani ni Brea at inabutan ito ng isang mansanas.
Pakiramdam ni Brea ay kaya niya nang itaguyod ang buhay niya ng ilang araw dahil sa mansanas. Medyo na-uumay na kasi siya sa lasa ng isda, talaba, at kung ano-anong sea weeds.
"Oo nga, masarap at napaka malasa." komento ni Cleo matapos maka-isa ng kagat sa mansanas.
Naka-ubos rin sila ng tig-tatlong piraso bago nagpasyang bumalik sa kweba dalang ang mga natirang piraso. Hindi rin kasi nila namamalayang dumidilim na at medyo tumataas na rin ang tubig sa karagatan.