CHAPTER 9: Mating Season

636 Words
Nagising si Cleo nang makaramdam siyang muli ng kakaibang init. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay mukha na ni Brea ang bumungad sa kaniya. Konting-konti na lang ay maghahalikan na siya nito. Akmang lalayo na sana siya sa salaga nang mapansin siya halos dikit na dikit na pala ang katawan nilang dalawa. Hindi niya napansing naka yakap na namang muli ang mga galamay niya rito. Hindi niya rin alam kung bakit tila ilang gabi nang ganito ang kaniyang nararamdamang init tuwing nasa tabi niya ito. Babaklasin niya na sanang muli ang pagkakayapos ng ganiyang mga galamay upang lumabas na rin at kumuha ng kanilang makakain. Ngunit sa pag-alis niya ng kaniyang mga galamay na nakayapos sa dalaga ay siya sing pagyapos ng braso ni Brea sa kaniyang bewang. "Pwede bang dito ka lang muna. Nilalamig pa ako." ani ni Brea rito at mas hinigpitan pa ang yakap ng braso kay Cleo. Napalunok naman si Cleo at hindi naka-sagot. Hindi niya rin mapigilan ang nararamdaman niyang init sa katawan. Pakiramdam niya ay mating season ngayon ng mga octopians ng katulad niya. Ganitong ganito rin kasi ang kanilang nararamdaman tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan. "H-hindi pwede..." ani niya kay Brea na ngayon ay nagising na. "At bakit naman hindi? Giniginaw nga ako, alam mo ba yung salitang body heat. Yun yung kailangan ko, kaya huwag ka nang mailang d'yan." ani niya rito at muling yumapos sa mga galamay nito. "Mating season namin ngayon. Lumayo ka kung ayaw mong... alam mo na..." ani rito ni Cleo. Sinamaan naman siya ng tingin ni Brea at ito na ang siyang umalis sa kaniyang pagkakayakap. At nang mapatingin naman siya ay mga butas sa kweba ay nakita niyang mataas na ang sinag ng araw at tumatagos na ito sa loob. "Hmmp... Kailangan ko lang sigurong maarawan kaya nilalamig ako rito sa lugar na to. Pwede mo ba akong dalhin sa labas?" ani ni Brea rito. Dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang magkakasakit kung patuloy siyang magkukulong sa loob ng kweba. "Sige, sandali lang at sisilipin ko ang labas kung pwede ka nang lumabas." ani ni Cleo at mabilis na sumisid sa katubigan. Mga ilang sigundo lang ay muli na itong bumalik. "Pwede ka nang magpa-araw sa labas. Banayad na ang mga alon at mataas na rin ang sikat ng araw." ani ni Cleo sa kaniya. Agad namang tumango si Cleo at sumisid sa katubigan. Sumunod siya kay Cleo sa pagdaan sa maliit na butas ng kweba palabas. Paglabas nila ay agad siyang sinalubong ng maligamgam na katubigan dahil sa sikat ng araw. Hindi na siya muling nakakaramdam ng lamig. Ngunit tila ba pakiramdam niya ay hinahanap-hanap ng kaniyang katawan at balat ang init ng mga galamay at katawan ni Cleo. Mabilis niyang iniiling ang kaniyang ulo upang alisin iyon sa kaniyang isipan. Hindi pa naman siya nahihibang upang pumatol sa kalahating tao at kalahating pugita. *** "Ihanda ang barko! Babalik tayo sa kumpol na mga bato!" ani ng ama ni Brea sa mga tauhan nito. Hindi na siya nakatiis pa. Ilang araw nang nawawala ang kaniyang anak. At wala rin siyang nakuhang matinong sagot sa halimaw. Dahil sa matinding galit niya rito ay napatay niya rito gawa nang labis na pagpapahirap rito upang mag-salita. Ngunit kahit ata anong gawin niya ay ayaw nitong aminin kung saang parte ng mga batuhan ang lungga ng mga ito. "Nakahanda na po ang lahat Sir. Nandito na rin po ang mga bomba." ani nito kay Don. Carlos na siyang ama ni Brea. "Mabuti, mag dala rin kayo ng mga armas. Dahil kung sakaling marami sila ay kayang kaya natin silang labanan." ani nito at umakyat na sa kaniyang barko. Hahanapin niya ang kaniyang kaisa-isahang anak ano man ang mangyari. Kahit kapalit pa nito ang sarili niyang buhay at maging ang mga tauhan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD