CHAPTER 8: Feel His Warmth

869 Words
"Acho!" malakas na bahin ni Brea nang magising siya dahil sa ginaw. Nanginginig na ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung sa malamig na hangin lang na dahil sa muli na namang pag-ulan o hindi talaga maganda ang kaniyang pakiramdam dahil basang basa siya kahapon at wala manlang siyang tapis o kahit anong panuyo at panangga man lang sa lamig. "Acho! Grrr..." ani niya at humalukipkip sa kaniyang tuhod at napayakapbsa sarili. Talagang nanginginig na siya sa sobrang lamig. Dagdag pa nito ang ginaw ng nalapad na batong hinihigaan niya. "C-Cleo?" nanginginig na tawag niya sa pangalan ng nilalang na kasalukuyang natutulog rin. "Hmm..." antok na ani nito na tila ayaw magising. Dahil sa lamig na nararamdaman ay gumapang si Brea upang abutin ang lalaki at gisingin ito. At nang mahawakan niya ang isa sa mga galamay nito ay ganun na lamang ang pagtataka niya, dahil nakakaramdam siya ng init sa galamay nito. Ibinagsawalang bahala niya na lamang iyon at gumapang papalapit kay Cleo. Naiilang man siya sa lalaki dahil tila ba pinagsasamantalahan niya na ito habang natutuloy ay hinahanap na ng katawan niya ang init sa malamig na gabing ito. Humalukipkip si Brea sa mga galamay ni Cleo at muling nakatulog. Kung ano man ang nagiging reaksiyon nito sa kaniya ay bahala na. Nang muli siyang makaramdam ng lamig kinabukasan ay iginala niya na ang kaniyang paningin. Tulad ng kaniyang inaasahan ay wala na naman si Cleo sa kweba. Nanginginig muli si Brea habang nakayakap muli sa kaniyang tuhod at hinintay na dumating ang binata. "Eto na pala ang pagkain mo." ani nito sa kaniya nang makabalik dala ang isang kabibe na naglalaman ng mga see weeds at talaba. Napakunot naman si Cleo nang makita ang sitwasyon ni Brea. "Anong ginagawa mo?" nagtatakang wika nito sa dalaga. "Hindi ba uso sa inyo ang nilalamig? Meron ka bang mga tela o damit na naanod rito na pwede kong isuot. Pakiramdam ko ay nilalagnat yata ako." ani ni Brea sa lalaki. "Meron," ani nito at gumapang sa butas butas na batuhan. Andoon nakita ni Brea na hinila ni Cleo ang isang lumang telang naninilaw na. Ipinagpag muna niya ito sa hanggin at sinuri kung meron bang insektong nakatago sa manipis na tela. Nang makitang malinis ito ay mabilis niyang ibinato kay Brea. "Oh heto." ani ni Cleo sa kaniya. "Aray naman, pwede mo namang i-abot sa akin, noh?" inis na ani ni Brea nang sumapol ang binilig na tela sa kaniyang mukha. Sakto lang ang haba nito, at hindi rin gaano ka-kapal ngunit tila gumaspang naman ito sa tagal nang pagkaka-imbak sa batuhan. "Nilalamig ka pa rin ba?" tanong nito sa kaniya nang maka baba na ito. "Oo, heto lang ba ang meron ka?" ani ni Brea dahil hindi parin maibsab ang lamig ng pakiramdam niya. "Pakiramdam ko ay nilalagnat ata ko." ani ni Brea dahil napansin niya kaninang sa tuwing babangon siya o kumilos lang ng kaunti ay pakiramdam niya'y nahihilo na siya. "Teka lang," ani ni Cleo sa kaniya at muling umalis. Nang makabalik si Cleo ay may dala na itong mga damong dagat na hindi pamilyar kay Brea dahil hindi naman ito kinakain ng mga tao. Ipinagsama-sama ito ni Cleo sa isang kabibe at dinikdik ito gamit ang bato. May inilagay rin siyang tila malapot na bagay na mukhang kinuha niya pa sa ilalim ng karagatan. Nawiwili naman si Brea na pinapanood ang ginagawa ng lalaki. Tila ba nanunuod siya sa ginagawang possion ni ursula na ibibigay niya kay ariel sa little mermaid. "Oh heto, inumin mo. Upang bumuti ang pakiramdam mo." ani ni Cleo sa kaniya at iniabot ang kabibe na naglalaman ng katas ng pinagpigaan ng mga damong dagat. Tila nagising naman si Brea sa pagpapantasya nang magsalita ito. Hindi niya namamalayang naka titig na pala siya sa mukha ng lalaki at sa matipuno nitong katawan. "Maraming salamat." namumulang ani ni Brea sa nilalang. Matapos nitong ibinigay sa kaniya ay agad namang humilata ang nilalang sa patag na bato. "Ganito lang ba ang ginagawa mo sa buong araw?" nagtatakang ani ni Brea dahil nababagot na siya sa pagiging tambay niya rito sa kweba. "Oo, paminsan naman ay lumalangoy kami ng aking asawa sa dagat at pinagmamasdan ang gandan ng mga korales." kwento nito sa kaniya. "Pasensiya ka na, nangdahil sa daddy ko kaya nawalay ka sa asawa mo." malungkot na ani ni Brea. Hindi sumagot ang lalaki. Nakahiga lang ito at naka dantay ang kaniyang braso sa kaniyang mata. "Huwag kang mag-alala Cleo. Kung hindi pa rin darating ang daddy ko kapag lumipas na ang ilang araw ay ako na mismo ang magliligtas sa asawa mo." ani ni Brea at nahiga na rin sa patag na batuhan sa di kalayuan kay Cleo. Ngunit mga ilang sanda pa siyang pabaling baling ng higa ay hindi niya parin makuha ang kaniyang tulog. Bumangon siya at tumingin sa mga galamay ni Cleo. Napakagat siya ng kaniyang labi nang maalala ang init nito na siyang nagtaguyod ng buong gabi niyang init. Nahihiya man ay mali siyang umusad papalapit kay Cleo ay nahiga sa tabi nito. Inabot niya ang mga galamay nito at idinagan sa kaniyang katawan. At mga ilang sandali lang ay gumaan na muli ang kaniyang pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD