"Esmeralda, saan na ba nagpunta ang anak ko?" inis na tanong ni Brando na ama ni Brea sa kanilang punong kasambahay.
"Wala naman po siyang sinabi Sir. Hindi ko nga rin po alam kung saan siya nagpunta dahil narito naman ang sasakyan niya." natatakot na sagot nito sa kaniyang amo dahil galit na galit na ito sa ilang araw na na hindi makita ang anak at malaman kung saan ito nagpunta.
"Kailan ang huling araw na nakita mo siya?" nagpipigil sa inis na wika ng matanda.
"Noong nakaraang araw pa po iyon. Nagpadala siya ng mga gamit at pagkain kay Milagros sa dalampasigan dahil maliligo raw po siya." ani nito
"At pagkatapos? Hindi niya ba nautusan ang isa sa inyong maglipit nun at nakita kung saan siya nagpunta." inis na wika ng matanda sa kaniyang nga kasambahay.
"Wala po sir, at hanggang ngayon ay naroon pa rin po ang mga gamit sa labas. Ayaw po kasi ni Maam Brea na kapag wala siyang iniutos ay hindi pwedeng pakialaman ang kaniyang mga gamit." wika naman ni Milagros na siyang huling naka kita kay Brea.
"Ang pagkaka-alam ko po ay pumunta siya ng pabrika matapos niya pong maligo sa dagat." dagdag pa nito.
Inis na umalis ang matanda kasama ng kaniyang dalawang gwardya na pumunta sa dalampasigan upang tingnan ang mga kagamitan ng anak.
Nang makarating sila doon ay naroon pa ang folding bed na yari sa kahoy na ginagamit ni Brea upang mag sun bathing. Naroon din ang payong at ang bag ni Brea kasama ang mga importante niyang kagamitan.
"Imposible umalis rito ang anak ko na hindi dala ang nga ito at ang kaniyang sasakyan." nahihiwagaang ani Brando.
"Boss! Boss! May natagpuan po kaming kapirasong saplot." ani ng kaniyang gwardya na mula sa dalampasigan.
"Hindi po kaya kay maam Brea ito?" ani ng kaniyang gwardya nang maiabot sa kaniya ang isang pulang bikini bra.
May marka ito ng dugo at may punit na para bang isang matalim na bagay ang gumawa nito. Naikuyom ng matanda ang kaniyang kamao at mabilis na naglakad pabalik sa mansion. Agad namang sumunod ang kaniyang dalawang kasama.
Nang makabalik sa mansion ay mabilis siyang sinalubong ng kaniyang mga kasambahay. "Ito ba ang suot ni Brea nang huli niyo siyang makita?" ani ng matanda kay Milagros na ngayon ay namumutla na sa sobrang takot na baka madamay sila sa posibleng pagkadukot ng anak ng kanilang amo dahil sa kanilang kapabayaan.
Nanginginig na tumango si Milagros bago sumagot rito. "Opo Sir, yan nga po ang suot ni Maam Brea nang maligo siya sa dagat." sagot nito.
"I check ang lahat ng cctv sa buong kabahayan." muling utos ng matanda dahil malakas na ang kutob niyang may kumuha sa kaniyang anak.
Mabilis naman nilang nakita si Brea na tila nagrerelax na naliligo sa dagat. Ngunit mga ilang segundo po ay bigla na lang itong lumubog sa katubigan at hindi na muling nakita pa.
Inis na naglakad palabas ang matanda at mabilis na nagtungo sa kaniyang pabrika gamit ang sasakyan nito. Nagtungo siya sa ibabang parte kung saan ang kaniyang laboratoryo.
Nang makarating sila roon ay nakita niya ang kalahating tao at kalahating halimaw na nakatali ng magkabilaan ang kamay sa stainless na laboratory table. At ganon rin ang nga galamay nito na may naka kabit na mga laboratory equipments.
"Good afternoon po Sir," bigay galang ng mga scientist na naka toka sa research at pag examine sa nilalang.
"Gusto ko munang makausap ang halimaw na yan." ani niya sa babae. Agad namang nagpaunlak ang eksperto at iniwan muna sila.
"May mga kasamahan ka ba?" madiing ani nito sa halimaw.
Nainis ito nang wala siyang makuhang sagot sa halimaw at tila nagbibingi-bingihan ito. Ngunit batid niyang nakakaintindi ito ng kanilang lengwahe dahil nakapagsalita pa ito nang tagalog nang araw na nahuli ito.
"Sagutin mo ang tanong ko?" mabagdik na wika nito sa halimaw na umalingawngaw sa buong laboratoryo.
"Bakit mo ba ako tinatanong?" ani nito sa kaniya. "May importante bang nawala sayo?" naka-ngiting wika ng nilalang.
Napaigting ang panga sa inis nang marinig nito ang sagot ng halimaw.
"Sa oras na may mangyaring hindi maganda sa anak ko ay ikaw ang mananagot." galit na ani ng ama ni Brea sa nilalang.
"Hindi siya makakabalik hanggat hindi mo ako pinapakawalan." sagot nito.
"At papaano naman ako nakakasiguradong ibabalik niyo siya sa oras na makatakas ka?" ani nito sa kaniya.
"Pahirapan ang nilalang na iyan." ani nito sa kaniyang mga gwardya na ngayon ay may hawak nang latigo.