Chapter 52: Old Friend 3rd Person's POV "Chantelle!" Napatingin si Chantelle sa sumigaw. Nakita ni Chantelle sina Nikodem, Chen at Sehun.. Kaya lang, natigil siya nang mapunta ang tingin niya sa isang kasama ng mga ito. "Sorry kung ngayon lang kami. Hindi naman siguro kami na-late diba?" Sabi ni Nikodem. "Tsaka pasensya na pero hindi raw makakapunta si Chann. Sumakit raw bigla yung tyan eh. May LBM siguro." Sabi ni Chen. Nagkatinginan sina Chantelle, Suho, Kyungsoo, Kris at Kai. Pagkatapos ay napatingin ang mga ito kay Milo na biglang tumayo. Halos 'di nila napansin ang sinabi ni Nikodem at Chen. Napalunok si Chantelle. "Bakit siya andito?" (Chantelle) "Siya ba 'to? Nako. Malaking gulo 'to." (Kyungsoo) "Bakit ba pati lovelife, 'di namin inimbestigahan? Ang gago lang -_____- An

