Chapter 51: Takot 3rd Person's POV Nagkatinginan sina Sehun at Chen. Mukhang may nangyari bago pa man makarating sina Nikodem at Chantelle sa table nila. Huminga ng malalim ang taong nakatingin kay Chantelle at pumikit ng mariin. Tumayo ito at umalis. "Oh? Anyare? Bakit umalis si Ailee? Tsaka akala ko kayo lang nina Chann ang andito? Okay na ba sila?" Tanong ni Nikodem. Hindi pa rin nakaupo ang dalawa (Nikodem at Chantelle) at nasa harapan nila sina Chen at Sehun na nakaupo't sabay buntong hininga. "Kanina kasi, 25 minutes bago kayo dumating, biglang dumating si Ailee dito. Pilit niyang kinausap si Chann. Pero yung gago, ayun. Ayaw pa 'ring makipag-balikan. Siya na nga 'tong nilalapitan ng babaeng mahal niya, siya pa 'tong pakipot." (Sehun) "Kaya ayun, nag-walkout si Chann. Iniwan

