Chapter 57: Sisters Chantelle's POV "A-Ano bang gusto mong pag-usapan?" Sabi ko. Nandito kami sa likuran ng building ng College of Engineering. Pareho kaming nakaupo sa isang bench na nasa ilalim at pagitan ng dalawang malaking puno. "Uhm. Paano ko ba sisimulan 'to.. Ano kasi.." "Pwede ba, Arton? Kung wa--" "I'm sorry." Sabi niya. Nilingunan ko siya. Nganga na kung nganga. HELLO? 'Tong baklang 'to? HIHINGI NG TAWAD? Lumuhod ba lahat ng tala sa mundo niya? "Ano? Bakit?" Sabi ko. Nakatayo na'ko ngayon at nakaharap sakanya dahil akmang aalis na'ko kanina nang bigla siyang mag-sorry. Jusmiyo. Si MADAM ALTHEA? Si Arton Terrence Fuentabella? HUMIHINGI NG SORRY SA ISANG TULAD KO? Anong brand ng katol ang nahithit nito? "Kasi.. Dahil sa nangyari noon sa Marketing.." Sabi niya. 'Di ko

