Chapter 58: Gusto Chantelle's POV Nasa bahay ako ngayon at pinagaaralan ang mga dapat pag-aralan. Kailangan kong makabawi sa quiz na hindi ko nasagot kanina TT____TT May check-up quiz kasi kami kanina sa major namin at talagang zero ang nakuha kong score. Kung bakit? Yun ay dahil 'di ako makapagconcentrate. Kung bakit? Dahil hindi mawala sa utak ko yung subuan nina Ria at Chann. Kung bakit ulit? BAH MALAY KO BA!? Peste. 'Di ko nga alam kung bakit hindi matanggal sa utak ko yun eh. Dinala pa nga ako kanina ni Kris sa cafe malapit sa school dahil talagang 'di ko alam kung anong gagawin kanina. No choice siya dahil talagang hinila ko siya palabas ng school. Bukod sa lintek na subuan, 'di ko rin matanggal sa utak ko ang lahat ng nasabi ko kanina sa harap nilang lahat. LALO NA SA HARAP

