--Camille-- Tuwang-tuwa akong tumakbo papunta sa tabing dagat habang nakapaa. "Whoa..." Lumusong ako sa tubig. Naramdaman ko ang lamig ng tubig sa aking mgapaa. Hinawakan ko ang tela ng aking maigsing palda at yumuko ako, namamangha kong tinignan ang shell sa ilalim ng tubig na nasa pagitan ng aking binti. maraming magagandang shell dito. Umayos ako nang tayo at tumingin ako sa alon ng tubig. "Ang ganda." Namamangha kong bulong sa aking sarili. Naririnig ko ang ingay ng alon at humahampas sa akin ang sariwang hangin mula sa dagat--ang tagal naming nakarating dito kaya dapat ay sulitin ko na. Maraming matataas na puno ang nadaanan namin hanggang sa makarating kami dito. Lib-lib na lugar yata ito dahil walang mga sasakyang nadaan. Hindi ako natatakot dahil kasama ko naman si Mr. Rey. Tinaa

