--Camille-- Hindi ko akalaing masisiraan kami ni Mr. Rey. Parang nangyari iyong palusot namin sa mga pulis na nag-iimbestiga sa pagkawala ni Rick. Pero mas hindi ko akalaing iiwanan talaga ni Mr. Rey ang sasakyan nya. Sabi nya maglakad muna kami baka may makita kaming matutuluyan kung sakaling wala bumalik nalang kami ulit sa sasaktan. May tinawagan na sya para kunin ang kanyang sasaktan pero bukas pa yata ito makakarating. Hindi ko maiwasang matakot. Madilim ang paligid at puro matataas na puno ang nakikita ko kaya siguro hindi ako mapalagay. Hinawakan ko nang mahigpit ang strap ng aking bag. Dala ko ang aking bag. Naka-uniform parin ako ngunit suot ko rin ang black jacket suit ni Mr. Rey binigay nya ito sa akin kanina, para daw hindi ako lamigin ngunit medyo malapit ng umabot ito sa ak

