--Camille-- Ako naman ang hindi pumapansin sa kanya, hindi ko rin sya iniimik. Masyado akong nasaktan dahil sinabihan nya akong stupida. Mula pa daw noong una nya akong nakita ay tingin nya ay stupida na ako. Pumasok ako ng paaralan na wala akong sinasabi sa kanya, tinatanong ako nila Tamoi kung sino daw si Mr. Rey sabi ko sa kanila huwag namin syang pag-usapan dahil nag-iinit ang mukha ko sa galit. Sa tuwing naiisip ko si Mr. Rey at ang mga sinabi nya sa akin ay napapaluha ako. Kunting pagkakamali ko lang nagagalit na sya. Sinundo nya ako at hindi ko sya iniimik hindi rin naman sya nagsasalita para akong bata sa ginagawa ko. Napapanguso nalang ako. Kaylangan ko ng oras para mapakalma ko ang aking galit. Nagmukmok ako sa kuwarto at gumawa ako ng mga assignment at nag-review narin. Mga 4

