--Camille-- Nagising ako dahil sa mabangong amoy. Hindi ko ma describe pero amoy mamahaling pabango na panglalaki, para akong nakahiga sa tanim ng mga bulak-lak. Ang bango. Hinigpitan ko ang aking yakap sa isang unang matigas pero mainit na nagpapagaan sa aking mahimbing na pagtulog. Komportable ako sa aking sitwasyon ang sarap sa pakiramdam, dinilat ko ang aking mga mata at kumurap ako nang tatlong beses. Unan na matigas? Tumingala ako at nanlaki ang aking mga mata--oh my gosh! Nakapatong ako kay Mr. Rey at yakap ko ang matikas nyang dib-dib. Napanganga ako. Nakasuot ng V-neck T-shirt si Mr. Rey at naka pants, nakapatong ang likuran ng kanan nyang braso sa kanyang mga mata. Kinagat ko ang aking labi at dahan-dahan akong umupo sa higaan para hindi sya magising. Kumakabog ang puso ko sa

