--Camille--
Kumakain kami ni Tamoi at Layla sa canteen. Breaktime namin ngayon. "Kamusta naman si Anderson?" Tanong sa akin ni Tamoi. "Ayos na sya pero hindi muna sya makakapasok kaylangan pa nyang magpagaling." Sagot ko sa kanya. "Sagutin mo na kasi gagaling iyon agad." Panghaharot sa akin ni Tamoi. Uminom ako ng softdrink. Kahit sagutin ko sya wala namang pinagkaiba, feeling nya girlfriend na nya ako. Iritang nagsalita si Layla. "Tumigil ka nga d'yan. Basta Camille kahit sino pang maging jowa mo suportado ako 'wag lang si Anderson." "Ayon, kahit sino kapang nalalaman diyan." Usal ni Tamoi sa kanya.
"Aral muna utupagin natin." Matamlay kong sabi sa kanila. Inayos ni Tamoi ang eyeglasses nya. "Aral na naman? Nasa paaralan na nga tayo ganya-" "Camille pinapabigay ni Anderson, huwag ka daw magpapagutom." Napalingon kami sa isang tropa ni Anderson nasi Alex. Nilagay nya ang pizza na naka-box sa lamesa namin at iniwan nya kami. Tumabi sya sa iba pa nyang tropa sa kabilang lamesa.
Nagtinginan kaming tatlo sa isa't isa. "Tignan mo mahal na mahal ka talaga ni Anderson." Sabi sa akin ni Tamoi. Binuksan ko ang pizza. "Wooo, sarap naman niyan." Excited na sinabi sa akin ni Layla. "Ano lantakan na natin?" Masayang tanong ni Layla, tinulak sya nang bahagya ni Tamoi sa braso at sarkastika itong nagsalita. "Akala ko ba ayaw mo kay Anderson?" "Iba to bhe, food is life hahaha." Nilantakan nila ang pizza.
Nilingon ko si Alex. Matalik syang kaibigan ni Anderson, nasabi ko na ba na iisa lang ang school namin ni Anderson? Maraming nakakakilala sa kanya dito. Mayaman din si Alex pero hindi kasing yaman ni Anderson. Magkaibigan nga sila pero magkaaway din dahil lagi silang naglalamangan sa kahit anong bagay na puwede nilang paglabanan. Magkasing tapang sila at nakakatakot silang dalawa kapag nag-away, ilang beses na silang nagsuntukan ni Anderson at hindi ko na mabilang mabuti nalang at magkaibigan parin sila ngayon.
Tumingin ako ulit sa pizza. Galing ba talaga ito kay Anderson? Madalas na binibigay sa akin ni Anderson ay mga mamahaling gamit. Mga bag, sing-sing, hikaw, damit--na binabalik ko nga minsan dahil subrang mahal. Kung gusto nya akong ilibre nang pagkain ay dinadala nya ako sa mamahaling restaurant kung saan makikita nya mismo na kumakain ako. Hindi sya magpapadala ng pagkain at regalo sa iba para ibigay sa akin. Gusto nya na sya mismo ang magbibigay kaya nakakapagduda. Hayaan ko na ngalang. Magpapasalamat nalang ako sa kanya mamaya.
Inihiwalay ko ang sibuyas sa pizza at pagkatapos kumain narin ako, nang matapos kami ay nakita kong umalis na ang ibang tropa ni Alex at papatayo narin sya. Nakangiti ko syang nilapitan. "Alex?" Tinignan nya ako. Naging maaliwalas ang mukha nya. "Hi? Why?" Nahihiya nyang hinimas ang batok nya. "Ano, salamat sa pagkain." "Wala iyon kay Anderson ka magpasalamat." Nakangiti nyang sabi. Nilagay nya ang dalawa nyang kamay sa bulsa nang sweatshirt na kanyang suot.
"Kay Anderson ba talaga galing iyon?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "Huh?" Nakangiti ngunit kunot noo syang tumingin sa akin. Nataranta ako at baka masamain nya. "Hindi, kasi...ngayon lang ginawa ni Anderson na ipadala sa iba ang gusto nyang ibigay sa akin. Nanibago lang ako." Nahihiya akong tumawa. Nawala ang ngiti nya sa mukha. "Salamat." Sabi ko sa kanya.
Bahagya akong napaatras dahil hinawakan nya ang buhok ko sa gilid ng aking pisngi at sinabit ito sa likod ng aking taynga. "Ang ganda mo." Sabi nya. Binalik nya ang kamay nya sa bulsa ng kanyang sweatshirt. "Hindi iyon galing kay Anderson galing iyon sa akin." Nahihiya nyang sabi sa akin. Hinimas nya ulit ang batok nya gamit ang isa nyang kamay. "Hindi ako kasing yaman ni Anderson, magaling naman akong mag-alaga ng babae...alam ko ring napipilitan kalang sa kanya." Napakunot ang noo ko. Ngumisi sya. "Ang babaeng katulad mo hindi nababagay sa kanya, kaya kung matauhan ka puntahan mo lang ako." Alok nya sa akin.
"Try me and I'll take care of you." Hinimas nya ang braso ko at iniwan nya ako. Hindi ako nakagalaw. "Camille?!" Nagulat ako nang tawagin ako ni Layla, nilingon ko sila. "Tarana." Sabi nito sa akin. "A-andiyan na!" Mabilis ko silang nilapitan at kinuha ang aking bag sa upuan. Hindi ko maalis sa isipan ko ang sinabi ni Alex. Nag-confess ba sya sa akin? Gusto talaga nyang laging napapaaway kay Anderson kaya ngayon pinagtitripan din nya ako. Kung nagpasalamat ako kay Anderson tapos hindi pala sya ang nagbigay mag-away na naman sila. Bakit ba wala na akong makausap na matinong lalaki sa paaralang ito.
Karamihan sa kanila kapag kinausap ko nauuwi sa 'May gusto ako sa'yo' Pinalobo ko ang aking pisngi. Nahihirapan tuloy akong kumilos dahil sa kanila kasi nami-misunderstanding nila . Noong oras na nang uwian ay hindi ko maiwasang ngumiti--susunduin ako ni Mr. Rey. Hindi ko alam pero excited ako na maysumusundo sa akin, minsan pinupwersa ako ni Anderson na sumabay sa kanya pauwi. Hindi naman sa hindi ko naa-appreciate pero hindi nya ako inuuwi kaagad. Kapag sumabay ako sa kanya meaning dadalhin nya ako sa isang date at hapon na kami makakauwi. Hindi ko na minsan nagagawa ang mga assignment ko kaya tinatakasan ko sya.
Lagi syang nage-effort sa akin pero naghihinayang ako sa perang ginagastos nya lalo na at hindi naman sa kanya iyon kundi sa magulang nya. Hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil mabilis syang magalit. Noong nakalabas na kami nang paaralan ay nakita ko ang sasakyan ni Mr. Rey masaya kong nilingon si Layla at Tamoi. "Mauna na ako, babay." Tumakbo ako palapit sa sasakyan ni Mr. Rey. Tinawag ako ni Tamoi pero hindi ko sila nilingon. Mag-aaya nanaman silang mag movie marathon kami. Masaya kong binuksan ang pinto at niyakap ang aking bag. "Magandang tanghali Mr. Rey." Masaya kong bati sa kanya--ganoon parin ang suot nya.
Walang emosyon nya akong tinitigan, nakapatong ang isang braso nya sa taas ng manibela--oh my gosh. Ito nanaman ang mga titig nya. Inalis nya ang tingin nya sa akin at papaandarin na nya ang kanyang sasakyan. Kinagat ko ang labi ko at hinintay kong paandarin nya ang sasakyan. "Why are you smiling?" Tanong nya sa akin habang sinusuksok nya ang kanyang susi sa kanyang sasakyan. "Masaya po akong makita ka." Napahinto sya sa ginagawa nya at nilingon nya ako. Namamangha syang tumingin sa akin. May mali ba sa sinabi ko? Maya-maya ay walang emosyong umiling si Mr. Rey at pinaandar na nya ang sasakyan. Habang nasa byahe kami ay nililingon ko sya. Lagi talaga sya naka-suit eh ano bang trabaho nya?
Maliban sa isang killer ano pa kaya ang ginagawa nya sa buhay? Hindi naman sya siguro isang Drug dealer? Trafficker? Assassin?! Mafia?! Hinawakan ko ang aking pisngi at umiling ako. Muli kong nilingon si Mr. Rey. O kaya? Hindi ko alam! Tumingin nalang ako sa daan sa aming harapan. Mayroon pa ba'ng mas matindi sa pagiging killer nya?
Nakarating kami sa bahay ni Mr. Rey hinubad nya ang kanyang gwantes at sinuot nya ang kanyang sing-sing, nagtataka ko syang tinignan. Bumaba ako sa sasakyan at dumiretso ako sa front door, inilagay muna ni Mr. Rey ang sasakyan nya sa kanyang garahe. Yakap ko parin ang aking bag nang buksan ko ang pinto. Naglakad ako papunta sa hagdan dahil may takdang aralin pa ako na dapat gawin. Nadaanan ko ang kusina at paakyat na sana ako nang hagdan. "You're probably Camille?" Napahinto ako sa paglalakad. May narinig akong tinig nang babae kaya nagtataka kong inalis ang paa ko sa hagdan. Umatras ako nang ilang hakbang at tumingin ako sa kusina, napanganga ako nang may nakita akong babae.
Napakaganda nya at ang haba nang kanyang buhok hanggang baywang ito. Mukha syang modela na sa runway mo lang makikita, nakaupo sya sa upuan na nasagilid ng counter at--oh my gosh wala syang damit! Napalunok ako. Hawak nya ang puting kumot na tumatakip sa buo nyang katawan pero kita parin ang maumbok nyang dib-dib, nakalabas ang mahaba nyang binti, magulo ang kanyang buhok at mukhang kagagaling lang nya sa...napakagat labi ako. Mukhang kagagaling lang nya sa s*x? Dinidilaan nya ang kanyang mga daliri na may maionese. Kumakain sya nang sandwiche.
"Si-sino ka po?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Pinatong nya ang mga braso nya sa counter at tinignan nya ako mula ulo hangang paa. "You look like a kid." Mapanghusga nyang sabi sa akin. Nilalait yata nya ako. Pumasok si Mr. Rey at sinulyapan nya ako ngunit tuloy-tuloy syang naglakad papunta sa babae. "Kagigising mo lang?" Nakangiting tanong sa kanya ni Mr. Rey sabay niyuko nya ito. Nanlaki ang aking mga mata nang maghalikan sila sa aking harapan--naglaplapan sila actually. Dila sa dila. Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Anong nangyayari dito? Sino sya?
Nagkalasan ang mga labi nila at dahan-dahan kong binaba ang aking kamay. Pumunta si Mr. Rey sa refrigerator at kumuha sya ng tubig sabay lingon nya sa akin. "Sya si Catherine kapatid ni Anderson." Sabi nya sa akin sabay inom ng tubig. Nakanganga akong tumango--iyong fiancé pala nya. "Nakuwento kasa akin ni Rey, binabayaran ka daw nya sa pagtira dito. Mind if you clean our bedroom." Tinignan nya ang kanyang kuko na may manacure. "Madumi kasi, dinaanan nang malakas na bagyo." Kagat labi nyang tinignan si Mr. Rey. Napangisi lang si Mr. Rey.
Nakaramdam ako nang pagkainis--gets ko na nag-s*x sila pero bakit ako ang paglilinisin nila? Subra naman iyon. "Pag-akyat mo sa itaas ay bumaba ka agad, linisan mo nang mabuti ayaw ko nang makalat." Maarte nyang sabi. Tinignan ko si Mr. Rey na katatapos lang uminom at ibabalik na nya ang tubig sa Refrigerator. Sininyasan nya akong umakyat sa taas.
Nanlulumo kong pinalobo ang aking pisngi. Agad akong umakyat sa taas at hinagis ang bag ko sa kama. "Kung ayaw nya nang makalat dapat hindi nalang nila ginawa iyon." Galit kong bulong. Irita akong nagbihis kinuha ko ang aking isang duster na kulay sky blue na hanggang kalahati ng mga hita ko lang ang haba. Kita ang strap ng aking itim na bra dito at kita din ang aking maputing legs. Tumingin ako sa salamin, inikot ko ang aking maigsing buhok at inipitan ko ito. May kuting bangs ang hindi nasama sa pag-ipit ko sa aking buhok at nakalawit lang ito.
Expose ang aking skin pero ganito talaga ang aking pananamit sa tuwing naglilinis ako dahil mabilis akong pawisan. Tinignan ko ang hitsura ko sa salamin, bagay sa sky blue ang maputi kong balat. Pinilit kong ngumiti at lumabas ang aking dimple. "Mukha nga akong bata." Malungkot kong sabi sa aking sarili--bakit kasi ang liit ko gusto ko ring tumangkad at gusto ko rin maging maganda tulad nya. Ganoon pala ang mga tipo nang babae ni Mr. Rey? Napabusangot ako.
Naiingit yata ako kay Miss Catherine. Tatawagin ko syang Miss kaysa ate dahil parang hindi ako komportableng tawagin syang ate, oo nga. Kapatid sya ni Anderson at isang Huston...baka anong gawin sa kanya ni Mr. Rey! Mabilis akong lumabas nakapaa lang ako at nagmamadali akong bumaba sa hagdan. Nag-aalala akong baka anong gawin ni Mr. Rey sa kanya.
"Ack!" Nagulat ako nang bigla akong nadulas paibaba nang hagdan--lumukso ang puso ko sa kaba. Nakita ko si Mr. Rey na paakyat palang sa hagdan magkakabungguan kami! Agad akong pumikit at sinangga ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Nakaramdam ako ng dalawang kamay sa aking baywang at napayakap ako kay Mr. Rey. Pumalipot ang kamay ko sa leeg nya at tumama ang dib-dib ko sa kanyang matikas na dib-dib. Napanganga ako sa kahihiyan.
Nakayakap kami sa isa't isa, nagulat ako sa nangyari. Kinalma ko ang aking sarili habang yakap sya. Nang biglang tumaas ang balahibo ko at taranta kong kinalas ang sarili ko sa kanya. Humakbang ako pataas sa hagdan. Masmatangkad ako ngayon sa kanya, nagtataka ko syang tinignan dahil sa ginawa nya. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, nag-iting ang pangga nya nang makita nya ang legs ko. Maynarinig akong galit na ungol mula sa loob nya. Iniwas nya ang tingin nya sa akin--galit yata sya. Umakyat sya sa taas nang hagdan na walang kahit anong sinasabi sa akin.
Kinalma ko ang aking kalamnan at hinawakan ko ang aking leeg nanlalamig parin ako. Inamoy nya ang leeg ko kanina kaya tumaas ang balahibo ko at naramdamam ko rin ang kanyang labi. Inamoy ko ang aking sarili--hindi naman ako mabaho. Bigla akong nilamig, kinalibutan ako sa ginawa ni Mr. Rey.
Humakbang ako paibaba sa hagdan nang bumigay ang tuhod ko at tuloy-tuloy ang tuhod ko sa sahig. "Ouch." Bulong ko habang hinihimas ang aking tuhod--tatlong hakbang nalang iyon eh na hulog pa ako. Mabuti nalang at naka akyat na si Mr. Rey kung hindi nakakahiya na naman ako. Nanlalambot ang aking tuhod. Napatingin ako sa kusina habang namimilipit ako sa sakit, nakita ko ang mukha ni Miss Catherine nakangiti at nakataas ang kilay nya habang nakatingin sya sa akin. Inisnaban nya ako. Iniisip siguro nyang ang lampa ko. Lampa naman talaga ako. Dismayado kong tinignan ang mga tuhod ko--nanlalambot nanaman kayo?!
**********
To be continued...
Warning: Not edited, violence, and inappropriate words.