--Camille-- Pumasok ako sa room ni Mr. Rey at napangiwi ang mukha ko sa kalat nang paligid. Ang gulo nang higaan nasa lapag ang unan at kumot, nasa lapag din ang mga gamit na dapat nasa itaas nang aparador na hanggang dib-dib ko. Iyong lampshade naman ay nakatumba sa sahig. Nagkalat ang mga fiber ng unan sa paligid at may nakita akong handcuffs sa headboard nang kama. Lumapit ako sa kama at nagtataka kong hinawakan ang handcuffs. Hindi ito maalis dahil naka locked ito. Tinignan ko ito ng mabuti. "Parasaan ito?" Hindi ko gets kong para saan ang handcuffs. Bakit may handcuffs dito? No way. Hindi naman siguro sinaktan ni Mr. Rey si Miss Catherine?! Mukhang maayos naman si Miss Catherine. Binitawan ko ang handcuffs at iniwanan ko lang ito doon. Dahil hindi ko naman mabuksan at napansin kong

