Chapter 4: His true color

4090 Words
Chapter 4 : His true color Sabi nila minsan darating talaga sa tao ang isang hindi mo inaasahang pangyayari sa buhay mo. Hindi ko lang maintindihan kung bakit 'madalas' iyong nangyayari sa'kin. Iyong tipong sa sobrang dalas, pakiramdam ko pinaglalaruan na ako ng mundo. And then he came. Isang lalaking hindi ko inaasahan na magbabago ng takbo ng buhay ko. His name is Sebastian Howard. " Hope? O my god!" May nakaabang na tagasilbi sa labas ng kwarto nung makita ko. She escorted me to the living room. 'Nung makarating kami doon bigla na lang akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Hazel. Napa-atras pa ako ng konti dahil sa pagkabigla pero agad ko din siyang niyakap pabalik. Nung maghiwalay kami saka lang ako napaiyak, tears of mixed joy and distress. " B-Bakit nandito ka? Pa'no mo ko nahanap?" tanong ko habang pinupunasan ang luha ko. " Bakit ka umiiyak? Did they hurt you?" alalang alala siya habang hinahaplos ang buhok ko then paused when she noticed something. Nanlaki ang mata niya at nakita kong napatakip siya sa bibig niya. Tinakpan ko agad yung leeg ko ng mahaba kong buhok. Alam kong nakita niya yung bite mark sa leeg ko. Nung naligo ako, sinigurado kong walang bakas ng dugo na makikita si Hazel. Ayaw ko pa nga sanang maligo kanina dahil gusto ko ng makita si Hazel at baka kung ano pang mangyari sa kanya. But Sebastian assured me - through the mind link- that they won't touch her. At ayokong isipin ang mga pwede nilang gawin once they touch her dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nangyari 'yun. I didn't know what happened to me but I still got myself to trust his words. But then nandun pa rin ang takot sa'kin. Alam ko kung nasaan kami. Delikado kami dito ni Hazel. Wala siyang sinabi basta niyakap niya lang ako ulit. We cried. " Natatakot ako Hazel." "Sshh.." she sobbed. Aaminin ko nung makita ko si Hazel parang nagkaroon ako ng pag-asa. Pakiramdam ko hindi na ako nag-iisa. She's the only person I can rely myself. Napahiwalay ako sa kanya nung makita ko si Richard sa likuran niya. Wala siyang naging reaksyon habang nakatingin lang sa'min. Napansin siguro ni Hazel na nakatingin ako kay Richard kaya nagsalita siya. " Sinabi niya sa'kin na nandito ka." Napatingin ako kay Hazel saka kumunot ang noo ko. " Paano niya naman nalaman na nandito ako?" tanong ko. Should I be thankful that he knew where I was? Pero paano niya nalaman? 'Di na nakasagot si Hazel dahil dumating sa tabi ni Richard si Alexander. At ramdam kong hindi lang kami ang nandirito. Sabay-sabay naman kaming napalingon 'nung may magsalita. By the time, I heard his voice my heart raced. " Your friend didn't tell you?" His Brittish accent is to die for. Everytime he speaks he gets more hotter. Nakaupo si Sebastian sa sofa at may hawak siyang baso na naglalaman ng kung anong inumin. It was dark red in color. I swear, I think it was blood. Tiningnan niya ako kaya nagsalubong ang mga mata namin. His look was so intense, I think I'm melting. May kung anong humahatak nanaman sa'kin at hinihigop ako ng mga mata niya. Tumaas ang isang kilay niya at ngumisi. He raised his glass to me." Want some?" Bumaba ang tingin ko doon sa baso, at parang gusto kong masuka just by staring at it. Naalala ko agad yung baboy damo. Gutom ako, oo, pero hindi ko maaatim na inumin yang iniinom niya. He smirked. Tinapat niya ang baso sa bibig niya at ininom yung laman 'nun. I cringed at the image and turned to look away. Walang nagsalita at parang hinihintay lang nila ang sasabihin ni Sebastian. Doon ko na napansin ang paligid. He was sitting by the fireplace. By the way, hindi ba sila takot sa apoy? Obviously, mukhang hindi. Aside from the fireplace napansin ko rin ang iilang chandaliers. Hindi lang dito ang may chandaliers. Yung mga dinaanan ko kanina puno ng chandaliers. The lights are dim and yellowish that gave it that eerie feeling. Yung pakiramdam na para kang nasa isang palasyo ng beauty and the beast? Ganun ang pakiramdam. Mas malaki ang kinatatayuan ko kesa doon sa kwarto. Kapag siguro ako sumigaw dito, mag-eecho. The place is really majestic. Narinig kong inilapag ni Sebastian yung baso sa mesa kaya napalingon ako sa kanya. I gulped when he run his tongue on his lips licking it clean from his previous drink. Napatitig ako sa kanya, mesmerized by him. Agad ulit akong nag-iwas ng tingin nung naramdaman niya ang titig ko. Bakit kasi napaka-lakas ng dating ng bampira na to? Hindi siya normal, I swear. " A-anong dapat k-kong malaman?"tanong ko. " I think she didn't tell you, huh?" Napalingon ako kay Hazel. What is that vampire talking about? I gave her that look. She just bow down her head. " P-pakawalan mo ang k-kaibigan ko." sabi ko saka binalingan ulit si Sebastian. Hindi niya man lang pinansin ang sinabi ko. " Your friend? I think she's cute." sabi niya at nagsalubong ang kilay ko. What did he say? Cute? It means " I want to drink your blood and drain you dead." Hindi na niya kailangan mangompliment, halata naman kung anong intensyon niya. I won't let them take advantage of her just because she's clueless of their existence. Hindi ko siya papayagang kagatin na lang ang bestfriend ko at gawing pagkain. Fresh na fresh pa sa utak ko yung ginawa niya sakin hours ago. Tiningnan ko ng masama si Sebastian pero natawa lang siya. " Don't worry Hope, you're still my gorgeous mate, no need to be jealous." The way his accented voice says my name, it made my inside tingles. Parang napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya at naramdaman kong kumabog ng malakas ang puso ko. And did he just say I'm jealous? Binasa niya ba ang isip ko? May inisip ba ako na nagseselos ako para mag assume siya ng ganun? Wala, 'di ba? " Excuse me? I will never be your mate, you monster! Kahit anong gawin mo hindi ako papayag na maging asawa mo, mate or whatever you want from me!" pagdidiin ko. Naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Hazel para patahimikin ako. " Hope.." bakas ang takot sa boses niya. Gusto kong isipin na wala siyang alam sa mga pinagsasasabi ko pero iba ang nakikita kong reaksyon niya. " Wag kang magsasalita ng ganyan sa mahal na hari."sabi ni Alexander pero hindi ko siya pinansin. I gave Sebastian a disgusted look. Nakita kong kumunot ang noo niya sakin na parang hindi niya nagustuhan 'yung sinabi ko. Nawala yung mapangloko niyang ngiti at napalitan ang nakakatakot na tingin. I saw anger in his eyes. Para akong mapapaso sa tingin niyang 'yun. His face became grim and I felt the blood in my face disappear. Saka ko lang na realize na nilagay ko lang naman ang sarili ko sa kapahamakan. He's the King of vampires at ako ay tao lang. God knows what he's capable of. Sabi ng utak ko bawiin yung sinabi ko. Gusto ko pang mabuhay diyos ko! But the other part told me that I'm just being honest. Yeah, my honesty that could get me killed. Magsasalita pa sana ako para bawiin 'yung sinabi ko pero hindi ko na nagawa. Nagulat na lang ako nang atakihin niya ako. He pinned me by the wall while his hand gripped my neck. Ang bilis ng mga pangyayari, naramdaman ko na lang ang kamay niya sa leeg ko gripping me even tighter. His eyes burning with madness. " Mahal na hari!" Nanlaki ang mata ni Hazel. " P-pakiusap wag mo siyang sasaktan! " I can almost hear the panic in Hazel's voice nung idiin ako ni Sebastian sa pader. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya. I really pissed him off. Hindi na ako makahinga, s**t! Papatayin niya ata talaga ako. Hinawakan ko ang kamay niyang sumasakal sa leeg ko para tanggalin 'yun pero masyado siyang malakas. He didn't move an inch. Anytime now, my neck will break. He leaned closer to me. " Next time, choose your words when you talk to me, because honestly, sweetheart? I don't give a damn if I take your life this very moment if you ever talk to me like that again." bulong niya sa tenga ko. Tumatama ang hininga niya doon at nagtayuan ang balahibo ng batok ko. " I'm the King and you should respect me. Do you understand?" tanong niya while looking at me through the eyes. I felt a slight pull when my eyes locked his. Napatango na lang ako ng wala sa sarili. " Good. Ayoko namang patayin ka nang hindi ka pa napapakinabangan." lumayo siya sa tenga ko. He smirk at me, a dangerous one. Binitiwan na niya ako kaya napa-ubo ako habang lumalanghap ng hangin. Nararamdaman ko pa ang kamay niya sa leeg ko kahit wala na. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Hindi ko ipapakita 'yun sa halimaw na 'to. I won't give him that satisfaction. He is definitely not a gentleman! It doesn't apply to monsters after all. Nilapitan ako agad ni Hazel at inalalayan. " Richard, akala ko ba nasa mabuti siyang kalagayan sa kamay nila? He almost killed my friend!" narinig kong sabi ni Hazel kay Richard. I tried to ease the pain in my throat. Nanghihina ako at parang gusto ng sumuko ng katawan ko. Nagkibit balikat lang si Richard, like he doesn't care. Kumuyom ng kusa ang mga kamay ko at saka nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Baka kapag natagalan pa na hawak ako sa leeg ni Sebastian, mami-meet ko na talaga si Kamatayan. This place is hell and that guy is the ruler! I bet he is considered as King of all devils. " Mahal na hari, kailangan mo ba talaga 'tong gawin sa kanya?" narinig kong sabi pa ni Hazel. Hindi pa ako nakakarecover when I processed what she said. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Hazel at kay Sebastian. " It's none of your business, slave. You are out of this. " sagot niya habang nakatalikod sa'min. Nanlaki ang mata ko nung marinig ko yun at nilingon si Hazel. " Slave?" Bakit tinawag niyang slave ang bestfriend ko? Naramdaman kong natigilan siya. Hazel turned to face me slowly. I gave her a skeptic look. " Hazel..a-anong ibig sabihin 'nun?" Napaawang ang labi niya. " I- I'm sorry dahil hindi ko sinabi sayo, Hope." maluha-luhang sabi niya. Alam kong may tinatago siya sakin. Slave? What the hell? Before she burst out crying, she removed her scarf that was enveloping her neck. Napatakip ako sa bibig ko sa nakita. May marka siya ng kagaya sakin pero marami ito. Lahat iyon kagat, some are old but some are still fresh. Tuluyan na akong napa-iyak dahil sa sobrang awa sa kaibigan. Kaya pala lagi siyang may suot na scarf, tinanong ko siya minsan kung bakit pero lagi siyang nag-iiba ng topic kaya hindi na ako nagtanong ulit. Paano niya nagawang itago sakin to? " P-paano nangyari sayo 'to?" namumuo ang galit sa loob-loob ko. Hindi niya ako sinagot. Nakaramdam ako ng sobrang galit para sa kung sino man ang gumawa sa kanya nito. " S-sino may gawa niyan?" my voice broke. Umiling siya, not wanting to speak again. Hinawakan ko siya sa magkabilang-balikat para tignan siya sa mata. " W-who?"my eyes felt hot and I want to burst out. Hindi ulit siya sumagot pero may nagsalita. " I did." Napalingon kami ni Hazel sa kanya. Napasinghap ako sa loob-loob ko. " She's my slave."malamig na sabi ni Richard. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. That answered everything. Bampira si Richard at slave niya si Hazel. Kaya pala napaka-possesive niya kay Hazel. Kaya lagi niyang sinosolo ito. Akala ko iyon ang paraan niya ng pagiging romantic pero hindi. He needs her. He needs her blood. He feeds on her everytime no one is around. Just the image of it breaks my heart. I couldn't contain my anger and found myself running to him and slapping him hard on the face. Impit pa akong napa-sigaw dahil ang tigas ng mukha niya. Naramdaman ko pang namanhid ang kamay ko sa tigas ng mukha niya. Pinipilit akong ilayo ni Hazel sa kanya pero hindi ako natinag. I'm filled with anger right now. " Walanghiya ka! Paano mo nagawa sa girlfriend mo 'yun hah? Alam ko na eh, alam ko ng masama kang tao- ay mali bampira pala- simula ng ipakilala ka niya sakin! Alam ko ng wala kang mabuting maidudulot sa kanya! I thought you could make her happy kaya hindi ako tumutol sa inyo pero, s**t! Bakit? Bakit kailangang kaibigan ko pa? Hindi ko maintindihan..." I burst out crying in front of him. Pinagpapalo ko pa siya sa dibdib. Nagagalit ako sa mga nalaman ko. Nagagalit din ako sa sarili ko dahil naging bulag ako dito. This not happening. Sana bangunot lang ang lahat. Si Hazel.. She can't be involved in this... "Nakakadiri ka.." nagtatagis ang ngipin kong tinuro si Richard. Hindi tumingin si Richard sa'kin, nakatingin siya kay Sebastian. " Pagkatapos ng lahat ng ginawa ni Hazel para sayo! Itinuring mo pa 'rin siyang pagkain! Hayop ka! Ang tulad mo dapat mabulok sa impyerno!" Gusto kong kalmutin ang mukha niya pero pinigilan ako ulit ni Hazel. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang protektahan ang hayop na 'to. Richard turned to look at me. " Wala akong dapat ipaliwanag sayo." he said nonchalantly. Mas lalong kumulo ang dugo ko. I want to slap his face again even if my hands went numb. Damnit! " Enough." Natigilan ako sa ma-awtoridad na boses ni Sebastian. " Don't waste your energy on this sweetheart, there are still things I need to discuss with you." narinig kong sabi niya, ignoring that he called me sweetheart and his cold hand touching my arm. I want to swat it away. " Leave us for a moment." utos niya. Tumango sina Alexander pati si Richard na kanina ko pa pinapatay sa isip ko. Nakita kong hinawakan ni Richard si Hazel at hinila hanggang sa marating nila ang pinto. Nilingon ako ni Hazel bago sila lumabas. Shit! Bakit nila ako iniwan kasama ang psychopath na to? Hindi ba nila naisip na muntik na niya akong patayin kani- kanina lang? Naramdaman kong naglakad siya papunta sa sofa saka naupo. " Come here." he tapped the seat next to him. Bwisit. Anong akala niya sa'kin? Aso? Ayoko sana but he gave me a glare that left me with no choice but to sit next to him. I made sure to leave a space between us. I squeaked when his hands reached my waist and pulled me closer to him. He chuckled at that. Shit! s**t! He leaned down to me kaya bigla akong kinabahan. I felt him sniffing. " You don't know how addicting your scent is. Did you use one of my body wash?" Namula ako bigla sa sinabi niya. Naalala ko naman 'yung ginamit kong body wash kanina. So tama nga ako na sa kanya ang kwartong 'yun. No doubt this vampire is rich. Napatango lang ako habang nakatingin sa mga mata niya. I feel hypnotized again. " I see." His eyes scanned me up and down. Saka ko na realize na suot ko ang t-shirt niya at boxers. Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil alam kong iyon ang dahilan ng ngisi niya. " You look hot even in my shirt." Shit! I need air! Nagulat ako nung gumalaw ang kamay niya papunta sa ilalim ng shirt na suot ko. Kinapos ako bigla ng hininga habang nararamdaman ang kamay niya sa balat ko. Gumalaw ako at umatras ng bahagya. Kung ito ang paraan niya para maging kampante ako sa kanya, pwes hindi. He is giving me the creeps. " A-ano ba talaga ang gusto mong pag- usapan?" Hindi ko mapigilang mainis. His face turn cold, emotionless.I can say na may pagka-moody siya. Kanina lang halos patayin niya ako, tapos nagbabait-baitan, tapos mapanukso, ngayon naman cold and stoic. Sarap hambalusin. " I see. You don't like the nice way, huh? Do you have an idea why I gripped your neck earlier? Did you think I liked your attitude?" His eyes turned black and dangerous. The air escaped my lungs. His grip on my waist became tighter. " Answer me, Hope! Do you think I liked your attitude?" Nagulat ako dahil tumaas na yung boses niya, muntik na akong mapatalon. God knows how I wanted to run away from him. " N-No." I choked. " No what?" he demanded. " What should you call me?" " S-Sebastian." sagot ko ulit. " KING Sebastian. I'm the king meaning you should respect me."pagdidiin niya." Hindi mo pa alam kung paano ako magalit Hope kaya kung ako sayo, wag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan, or I'll end up killing you instead even though that is very far from my plan." Far pa yun sa kanya? Muntik na akong mamatay, tapos malayo pa yun sa plano niya? " And please stop with your sarcastic thoughts, maybe I'll let you live longer. Try to insult me verbally or mentally again, you won't like what I'll do to you." dugtong niya. Nanlaki ang mata ko sa kanya. This whole time he'd been reading my mind? " Yes, again, I can read minds, tapos na tayo sa stage na yan." sabi niya pa na parang bored na bored. " Now listen before my patience go off. " Tumahimik naman ako. "I'll let you live, until I get to be a full vampire. I will let you go back to your old life. " Kinuha niya ang baso na nandoon sa mesa at ininom ang laman nun. Full vampire? What's so special about being a full vampire by the way? Ibig sabihin after nun, I'll be dead. So ano pa ang halaga kung mabubuhay ako? I'm stuck with them. Pero teka sabi ni Alexander pinakasalan niya ako, that I'm his w-wife, right? " That means you're also mine until the day I dispose of you." I felt a pang of pain inside my chest when he said that. He talks to me like I'm a trash. " Just remember that wherever you go, I'll still find you so don't think about escaping." sabi niya ng walang bakas ng biro sa boses niya. He's dead serious. Hindi ko mapigilang hindi tumawa ng pagak. " Sigurado talaga akong nananagip lang ako." sabi ko. I caught his smirk. " Do you want me to grip your neck again? Just to prove this is real. It'll be my pleasure, sweetheart." Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya. " S-sabi ko nga totoo lahat 'to." Napaiwas ako ng tingin nung mas lumapad ang mapang-asar niyang ngiti. " Gusto ko lang talagang umuwi. Pakiusap, gusto ko ng umuwi. " " Sooner or later, this will be your home. Ayokong isipin ng iba na pabaya ako sa mga pag-aari ko." My heart skipped. Titira ako dito? Kasama siya? Obviouly Hope. Asawa ka na niya di ba? Sabat ng utak ko. " Pero pwede pa naman akong umuwi di ba? Nag-aaral ako at nagta--" " I know what you do." putol niya sa'kin. " But do you need to? Mamamatay ka rin naman." he said coldly. My blood ran cold. Why can't he say something nice? Wala na talagang mararating 'tong buhay ko kundi ang bawian ng buhay sa kamay ng isang bampira. " A-atleast make the m-most out of it."I faked a laugh pero hindi niya ako sinakyan. " P-pwede naman siguro akong humingi ng condition habang buhay pa ako di ba?" kinakabahan kong tanong. " And what could that be?"tanong niya. Unang pumasok sa isip ko ang maging malaya but then he cut my thoughts. " You know I can read your mind right? And I'm gonna say a big no to what your thinking." I'm dead. Mag request na lang ako ng iba yung alam kong safe ako sa kagaya nila. " I want my friend and mine's safety." sabi ko habang nakatingin sa mata niya. He scoffed." Safety? Dahil ba sa nangyari kanina? Sweetheart, you're the one stepping out of your safe zone, so don't blame me." " Gusto ko namang bawiin yun eh kung di mo lang ako inatake. " " I can hear you cursing at me in your head."sabi niya at napasinghap ako sa loob-loob ko. I should limit my thoughts. Note to self. " P-patawad. H-hindi lang talaga ako s-sanay sa ganito." I said in a formal way. He looks like he don't give a damn about my sincere apology. " Name your conditions."sabi niya at nagliwanag ang mukha ko. " Ito ang k-kondisyon ko." simula ko " Una, hindi mo ako pwedeng hawakan---" " As if that would be avoided." " Akala ko ba ok lang na may kondisyon ako?" medyo tumaas pa ang boses ko. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob kong kausapin siya ng ganito samantalang gusto ng lumuwa ng puso ko sa kaba. He gave me a warning glare and I coward back. " Hope sweetheart, I'm the dominant here, so why should I accept suggestions from you?" he gave me a holding stare kaya agad akong napayuko. Sweetheart? Shit. " M-may karapatan pa rin ako! You took me without my permission so I suggest you could just give me a little favor. Sabi mo kanina name my conditions tapos ngayon magtatanong ka kung bakit kailangan mo ang sagot ko?" Nakakainit ka ng ulo ah. Gusto kong idagdag. " A-alam mo bang pwede din kitang kasuhan ng rape and kidnapping dahil dito?" He just leaned back and crossed his arms. Hindi siya nakatingin sa'kin pero nakikita ko ang pag-igting ng panga niya. " I-I'm gonna let e-everyone know about your e-existence." Stop stuttering, Hope. my goodness! Well, sino bang hindi, kung nakikipag negosasyon ka sa isang halimaw na umiinom ng dugo ng tao? Ngumisi siya. Alam niyang kinakabahan ako and he's gaining satisfaction because of that. " Sino namang maniniwala sayo?" " I-I have a witness." " Who? Your friend? Tss. She can't. She's under Richard's mercy, kung gugustuhin ko nga, I could make her forget that you exist as her bestfriend." Kumabog ng mabilis ang puso ko. Si Hazel? Kaya akong kalimutan ng nag-iisa kong bestfriend? " H-hindi mo 'yan gagawin." sabi ko. Pagkatapos burahin ni Dylan ang alaala ko alam kung kaya niya din iyong gawin sa kaibigan ko. Wala ng halaga ang buhay ko kapag pati siya nawala. It will break me again. " Oh, yes I will." he smirked. " but then I won't, if you'll be a good girl. " Hindi ako nakapagsalita. Wala akong pagpipilian. Ipit na ako sa sitwasyon. " I think you understand what I meant."sabi niya. " P-pero may mga kondisyon p-pa ako-" " Your friend and your safety is enough."sabi niya " Starting from now on, I'm getting you someone to monitor you at school." " A-ano? At bakit?" And wait, alam niya kaya kung saan ako nag aaral? Iyon na lang ang tanging lugar kung saan hindi ko kailangang makasama or maka-encounter pa ng mga kagaya nila. " Greenstone Academy, Night class. Class A. Believe me, I know more than that. " sabi niya. Napasinghap ako at agad 'ding nakabawi sa pagkagulat. Creepy. " K-kaya ko ang sarili ko kaya hindi ko kailangan ng sinasabi mong magmomonitor sa'kin o ano pa yan." Kung manganganib man ang buhay ko, alam kong kapag kasama ko ang lalaking 'to. " Kaya pala madali kitang nasakal kanina. Way to be brave, sweetheart." sarcastic siyang ngumiti. He leaned closer kaya napa-atras ako agad dahil baka sakalin niya nanaman ako." Just comply sweetheart. It's easier that way." Napalunok ako habang nakatingin sa mga mata niya. They made me want to do all what he wants. Nagulat na lang ako nung itulak niya ako sa sofa. I felt his weight on me 'nung dinaganan niya ako. Hinarang ko ang dalawa kong kamay sa dibdib niya. Ang tigas--erase that thought. Hinuli niya naman ang mga kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay. He pin them down on both sides of my head. My heart hammered in my chest when he leaned in to my neck. Naging marahas ang paghinga ko. I squirmed when I already felt sharp teeth buried my skin. I gasped with the sudden pain. " You're mine. Remember this." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD