Chapter 5: Little freedom
Life is really enigmatic to even explore its inevitable grounds. I lived my life adapting to its cycle but I never thought this day would come. To encounter something beyond your zone, beyond your imagination. It came like an unwanted guest in the middle of the night. Knocking by your door--definitely not knocking but walking in without permission like a dark knight who seeks for something.
Binitawan ko ang ballpen na ginagamit ko.
Napalingon ako saglit sa labas ng bintana. The night looks so peaceful. Wala man lang bituin. Uulan kaya?
Binalingan ko ulit ang papel ko and read the sentences again.
Bakit kasi ngayon pa naisipan ng professor namin na magpagawa ng essay? Ang dami pang tumatakbo sa utak ko kaya lutang na lutang talaga ako.
Ayoko nga sanang pumasok sa klase ngayon at gustuhing magtago na lang sa apartment ko baka sakaling matakasan ko ang problema ko.
I sighed and closed my eyes.
I looked outside the window again.
Nasanay na rin ako sa dilim dahil nasa night class ako pero ngayon I've never been so scared. Hindi ko mapigilang hindi maparanoid kapag naalala ko yung sinabi, more like a threat ni Sebastian that wherever I go, he'll always find me, so running is useless.
The guy knew me!
Alam niya kung saan ako nag-aaral at nababasa niya ang utak ko. Pakiramdam ko anytime maririnig ko ang boses niya sa utak ko eh.
Binalik ko yung tingin sa ginagawa kong essay entitled " How will you define your life?".
I bit the tip of the pen while contemplating on what to add to the last phrase.
' And suddenly you found yourself caged to its existence.'
Dugtong ko.
Naku! Ilang sentences pa lang yun?
I need to write 200 words.
Nung nabasa ko 'yung title naisip ko 'yung mga nalaman ko kaninang umaga.
Those intense look Sebastian always give me. Napailing ako para alisin 'yun sa utak ko.
Hindi ko na natuloy ang sinusulat kong essay.
I don't want to mention further dahil baka may masabi pa ako dito tungkol sa mga nilalang na kagaya ni Sebastian. I promised not to reveal their existence in exchange of Hazel and mine's safety.
Kahit hindi kami nagkalinawan sa bagay na 'yun dahil alam niyo na--masyado siyang maarte.
Napatingin ako sa daliri ko.
I'm married but I don't have a ring.
Considered kaya na kasal 'yun?
Wala nga akong maalalang nangyaring ceremony. O baka hindi uso sa kanila ang seremonyas?
Once he claimed me...
I'm HIS.
My heart skipped a beat.
Napailing ulit ako para alisin ang nararamdaman kong 'yun.
Remember, Hope that they are monsters. He treat you like a trash that after he's done, he will dispose you.
Kagaya nga ng sinabi niya.
Hinihintay ko na lang na tumapat yung maliit na kamay ng relo sa 9, para maka uwi na ako. I just think I needed some peace of mind.
Pinagmasdan ko ang ginagawa ng iba kong mga kaklase, mukhang pursigido sila sa ginagawa nilang essay.
Nabaling ang tingin ko kina Jessica na nagdadaldalan pa.
Mukhang nagkokopyahan pa.
Essay na lang kailangan pang kopyahan? Tsk.
Mayaman nga sila pero hindi nila ginagamit para malagyan man lang ng sense ang utak nila.
Ang school namin ay kilala as school for the elites. Hindi basta basta ang academy na 'to. The Greenstone academy is the only academy in Altafracia.
Because of the massive number of students transferring from different places, they divided the students into different classes , the Day class, Night class and Midnight class.
The day class were scheduled 8-1, Night class 2-9, and the Midnight class, 11-4. Nasa midnight class ang may pinaka-sikat na mga estudyante sa school. The ones who excelled most in all the academic subjects, good-looking and drop dead gorgeous guys and girls and most importantly, belonged to the most affluent family.
Mostly all the students adored them.
Magkaklase rin kami ni Hazel sa midnight class noon infact were like class buddies. Napabilang lang naman ako sa midnight class dati dahil sa scholarship ko.
May mga pinili ang iilang prof para mapabilang doon. Kasama ako at si Hazel.
Lumipat lang ako sa night class dahil nahihirapan ako sa schedule ko. May trabaho ako sa umaga at kailangan kong matulog dahil normal pa rin akong tao na kailangan matulog.
Sumunod din si Hazel nung lumipat ako. Kung lilipat daw ako lilipat din siya.
Natawa ako kapag naaalala ko ang sinabi niya noon.
Malungkot akong napalingon sa katabing upuan ko na ngayon ay bakante.
Upuan ito ni Hazel.
Hindi ko ma-imagine na may malaki pala siyang hinaharap na problema, akala ko nung malaman kong nawala ang virginity ko sa isang bampira ay pinaka-worst na mangyayare sa babae pero mas malala yung gawin kang food supply ng dugo ng boyfriend mo.
Kung ganun ba peke lang ang mga pinapakita niyang kilig noon?
'Yung nagniningning ang mga mata niya kapag pinag-uusapan namin si Richard?
Does this mean their relationship is fake?
Bakit hindi ko napansin?
The way Richard acts like a master to Hazel. Kung paano siyang sundin ng ganun-ganun na lang ni Richard sa mga utos nito.
Pagkatapos ng lahat ng 'yun, nasasabi niya pa rin sa'kin kung gaano siya kasaya kapag kasama niya si Richard.
Hindi ko mapigilang mainis. Napaka-sinungaling mo Haze. Hindi ako makapaniwala sayo. You are so dumb.
May napapanood na ako sa TV na mga bampira pero hindi sila ganun ka romantic gaya ng inaasahan ko sa totoong buhay.
Napaka-out of the world ng kagwapuhan nila kaya hindi mo agad malalaman na sa kabila nun ay mga kasamaan na nagtatago sa loob nila.
Nung oras na ng pagpasa ng gawa namin pinasa ko na rin yung sakin. Babawi na lang ako next time sa essay.
Hindi nagtagal natapos na rin ang klase. Binitbit ko na yung bag ko saka yung ibang gamit ko.
Napatigil ako nung may humarang sa daanan ko.
" Hey..." sabi nito habang nakangiti sa kin.
Nanlaki bigla ang mata ko nung makita ko siya.
" Wes?! Kelan ka bumalik?" gulat kong tanong bago niya ako niyakap ng mahigpit. Natawa naman ako sa ginawa niya.
Naghiwalay na kami mula sa yakap pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.
" Kanina lang." sagot nito.
" Talaga? Baka may jetlag ka pa." sabi ko. I'm trying to make him see that I'm okay. I need to be okay.
Natawa naman siya, kaya lumalabas tuloy yung dimples niya.
" Uh..hindi naman, sanay na, ikaw kamusta ka na? Nawala lang ako ng 2 weeks hindi mo na nagawang idefend yung sarili mo?"
Alam na pala niya.
Humors do spread fast like a virus. Sana nga hindi na ako pumasok eh. Kanina nga nung pumasok ako, center of attraction ako dahil dun sa nangyaring pagpapahiya sakin sa party.
" Ano bang sinasabi mo? Yung tungkol ba sa party ni Jessica? Nako..hindi naman sa hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko sadyang hindi lang talaga ako pumapatol sa mga kagaya niyang attention seeker."
" Yeah right, you really shouldn't. Tama yung ginawa mo. Mas mahal doon ang atensyon mo. " saka humagakhak na siya ng tawa.
Sakto namang dumaan sa gilid namin sina Jessica at ang minions niya. Ang sama ng tingin niya sa'min.
Alam kong wala naman siyang magagawa kasi nandito si Wes. Alam kong tumitiklop siya pagdating kay Wes.
" Hoy.. makatawa ka dyan. " saway ko sa kanya kaya humina naman ang tawa niya. " Pero masaya ako na bumalik ka na Wes."sabi ko.
" Me too. At dahil bumalik na ako wala na ulit aaway sayo."
Ang sweet niya lang talaga, nagtataka nga ako kung bakit hindi mahulog-hulog ang loob ko sa kanya eh. Siguro friendzone lang talaga kami.
" Nga pala, kailangan ko ng mauna kung ok lang, naalala kong may kailangan pa akong puntahan, will you be fine?"
Tumango ako. " Oo naman."
I'm not fine Wes.
Gusto kong humingi ng tulong sa kanya. Gusto kong humingi ng comfort.
"Okay bye." maglalakad na sana siya nung bigla nalang siyang humarap sakin at nagulat ako nung halikan niya ako sa pisngi.
My face turn red instantly. Bigla kong nakalimutan ang problema ko.
He grins at me.
" Una na ako. Nice scarf by the way."
Buti na lang medyo wala ng tao sa classroom at baka pag nakita nila 'yun baka ma-chismis nanaman ako.
Nakita kong tumakbo na siya palabas sa classroom at hindi ko mapigilang malungkot.
Maliban kay Hazel, siya ang nag iisang taong pinagkakatiwalaan ko. Masaya akong nakabalik na siya mula sa Australia, pero hindi ibig sabihin nun ay pwede na ulit akong magsabi sa kanya tungkol sa mga nangyayari sa'kin ngayon. Mas mabuting wala siyang alam.
Shit!
Napansin pala niya yung suot kong scarf. Buti na lang hindi siya naghinala kung bakit gabing-gabi naisipan kong mag scarf at hindi ko alam kung anong idadahilan sa kanya.
Naisipan umuwi na rin pero paglabas ko may humarang na grupo ng mga babae.
Nakalimutan ko, lagi nga pala silang nagpapa-iwan dito kaya hindi ko sila napansin.
Nagpapaiwan sila dahil gusto nilang sulyapan ang mga midnight class.
" Ano pang gusto mo Jessica, napahiya mo na ako kagabi dun sa party mo? Alam ko namang inimbitahan mo lang ako para ipamukha sa mga kaibigan mo na mas ma impluwensya ka di ba?" sabi ko habang nakatingin kay Jessica.
" Oh look, the nerd is getting the nerve."Shine laughed.
" That almost rhyme Shine, ang galing mo talaga." Regina said.
They laughed at their own joke.
Ano naman nakakatawa dun? Tss.
Aalis na sana ako kaya lang hindi nila ako pinadaan. Tinulak ako pabalik at muntik na akong mawalan ng balanse. Urgh! Wala talaga akong oras para problemahin pa sila.
Naglakad palapit sakin si Jessica, her height towering over me. Nagmumukha lang naman siyang matangkad dahil sa heels niya.
" Alam mo Hopie, let's just forget that ever happened, k?" malambing na sabi niya.
That damn nickname!
" Nagbibiro ka ba? Paano ko naman makakalimutan yun? Dapat nga sinumbong ko kayo sa Head dahil sa ginawa niyo, pero hindi ko ginawa dahil baka isipin niyo naman na mababaw ako."
" Kailangan ko bang magpasalamat Hopie?" tukso niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
" Ganito na lang. I'll treat you mamaya. Para naman mapatawad mo na ako." sabi niya with matching puppy eyes pa.
" Busog ako."
" ang arte." narinig kong bulong ni Regina.
I want to roll my eyes on her. Anong akala nila sa'kin uto-uto? Pagkatapos ng ginawa nila kagabi?
" Really Hope. I want to apologize for what happened last night. Nagsisisi na ako."
Tss. Kaplastikan.
" Hihingi din pala ako ng favor."
Kaya naman pala. Ano pa bang inaasahan ko sa kanya?
Bakit kasi nakikipag usap pa ako sa gaya niya?
Sa ginawa niya kahapon, nag eexpect pa talaga siya na bibigyan ko siya ng favor?
" You see, alam kong kilala mo yung hot boyfriend ni Hazel. Hindi naman pwedeng hingin ko ang number niya kay Hazel, so I thought you could give me instead."
Puno ng kaplastikan ang boses niya at gusto ko siyang ingudngod sa sahig.
May gusto pala siya kay Richard. Kaya naman pala pinipilit niyang iinvite ni Hazel si Richard sa party niya but she failed dahil hindi talaga socialite si Richard. Siguro ganun talaga ang mga bampira.
" Gusto mong ibigay ko sayo ang number ni Richard?" natatawa kong tanong.
What if, siya na lang ang gawing slave ni Richard para pakawalan na niya ang bestfriend ko? I'm sure magugustuhan naman siguro ni Richard na may bago siyang supplier ng dugo, di ba? Besides, tingin ko gusto rin iyon ni Jessica.
It's like hitting two birds with one stone. Makakapaghiganti ako kay Jessica at kay Richard.
" You heard me, now give me his number."
Kahit gustong-gusto kong ibigay yung number ay hindi pwede, dahil wala akong number niya at wala sa'kin ang cellphone ko. Seriously, kanina ko lang napansin na nawawala ang cellphone ko.
" Bakit mo naman kasi hihingin ang number ng lalaking may girlfriend na? Ganun ka ba ka-desperada?"tumaas ang kilay ko sa kanya.
Tumalim ang tingin niya at alam kong pinipigilan niya ang sarili.
" Pero alam mo, mas bagay nga siguro kayo ni Richard."sabi ko pa.
She bath her lashes. How gullible.
" Oo naman. Tsk. I already know that."she flipped her hair.
" Oo nga kaya gusto talaga kitang tulungan pero wala akong number niya eh. Kung gusto mo, bukas, ibibigay ko ang number niya dahil ako na mismo ang hihingi ng number niya kay Hazel." I smiled fakely.
Nagliwanag ang mukha niya.
" Talaga? But don't tell her ako nanghingi ah?"
O god, she really is obsessed with Richard.
Binigyan ko pa siya ng pekeng ngiti.
" Oo naman, so pa'no? Bukas na lang?" sabi ko bago nag-wave ng konti sa kanila at nilagpasan sila.
Alam kong hindi pa aalis ang mga 'yun, hihintayin pa nila ang midnight class dahil nasa midnight class si Richard.
Nung napadaan ako sa library biglang may sumagi sa isip ko.
Naisipan kong dumaan muna para magresearch. May libro kaya sila doon tungkol sa mga bampira?
Kailangan kong malaman ang tungkol sa kanila, ang mga abilidad nila at ang mga kahinaan nila.
Pagpasok ko, wala ni isang estudyante sa library, saka wala sa desk niya yung librarian.
Asan na yun? Minsan naman may nagbabantay dito ah.
Sa sobrang tahimik, naririnig ko na lang ang bawat yabag ko. The floor is tiled with black and white, checkered.
Naka arrange ang bawat shelf in parallel kaya kung gusto mong magtaguan kayo ng mga kaibigan niyo sa loob, posible.
Naglakad ako para maghanap sa mga bookself. Ano namang libro ang hahanapin ko na may kinalaman sa mga vampires? Sa libo ng libro dito aabutin ako ng bukas sa paghahanap. I scanned through each book sa self hanggang sa marating ko 'yung dulo ng unang partition. Nabitawan ko ang nahugot kong libro nung bigla na lang akong may mabangga.
When I looked at someone I bumped into, my eyes widened.
Out of the dark lumabas ang siya, enough para mas lalo kung makita ang mukha niya.
My mouth fell. My heart started raising so fast. I couldn't move.
It was Sebastian.
"Looking for this?" tanong niya habang inaabot sa'kin ang isang libro " The Man in the Shadows" yung title ng libro.
Tiningnan ko saglit 'yung libro.
Shit. Baka magalit siya dahil gumagawa ako ng research tungkol sa kanila. Bakit kasi hindi na lang ako nag search sa internet?
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Na mesmerize na naman ako sa vampire charms niya. Nakasuot siya ng leather jacket.
Pero ang di ko maintindihan ay bakit parang sa loob ng jacket na 'yun ay may napansin ako na white na polo at tie, which is pareho sa uniporme ng mga midnight students.
Siguro nagkataon lang na ganun ang suot niya. Di naman maaaring nag aaral din siya dito, di ba?
" A-anong ginagawa mo dito King Sebastian?" kinakabahan kong tanong dahil masama ang tingin niya sa'kin.
Akala ko ba this is a Sebastian-free-night?
***