Chapter 6: Cold

2619 Words
Chapter 6 : Cold Bakit siya nandito? Anong kailangan niya? Maraming tumatakbo na tanong sa isip ko pero may isang naiiba. Bakit napaka-gwapo niya ngayong gabi? Napaka-out of the world ng kagwapuhan niya. Dark and dangerous. His hostile look will make any girl squirm in giddy. Tumitili ang kaloob-looban ko pero pinilit kong hindi ipakita 'yun. Napalingon ako saglit para tignan kung may ibang tao. Paano kung makita siya ng mga estudyante dito? Paano kung pagkaguluhan siya? Paano kung sina Jessica ang makakita sa kanya? Kapag iniisip kong makikita siya ng ibang babae parang gusto kong sabihin na umuwi na lang siya. Kapag iniisip ko 'ding nandito siya sa'kin, napapatili din ako sa isip ko. " I'm not here for you." malamig na saad niya na nagpatigil sa pag-iisip ko. My face turned flat instantly. Mind reader. " H-hindi ko naman iniisip na nandito ka p-para s-sakin." napayuko ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ayaw kong malamig siya sa'kin. Napaka-assuming mo, Hope. Nakakahiya ka. Maya maya, nagulat na lang ako nung isandal niya ako sa bookshelf. Umuga pa ang bookself dahil sa impact. Sobrang lapit na ng mukha niya that our noses almost touched. Pinako niya sa magkabilang gilid ko ang dalawang kamay ko. I'm trapped. " Sebastian.." I breathed. My heart was beating like crazy tuwing napapatingin ako sa mukha niya. Bakit ba kasi naging ganito pa kagwapo ang nilalang na 'to? Mawawala ako sa katinuan kung titignan niya ako sa mata. " King. Call me King Sebastian." pagtatama niya. His accent is very amazing. Tumango na lang ako. " K-king Sebastian." " I can see hurt in your eyes, sweetheart. Did you expect me to be sweeter to you because you are my mate?" Hindi naman ako nag-eexpect. Una pa lang, alam ko ng hindi niya ako gusto. He even tried to kill me, twice! Hindi ko alam kung anong turing nila sa mga nagiging asawa nila. Am I only a feedbag to him? Ganun ba talaga ang halaga ko sa kanya? Why do feel so unfair? Urgh! Alam ko naman talaga kung ano ako sa kanya, bakit ganito pa rin ang iniisip ko? Napaka-tanga ko. " Kailangan mong tandaan na ginawa lang kitang asawa para maging full vampire ako and nothing else. I'm not the guy you expected me to be." Alam ko naman 'yun. Ang it stings. " A-alam ko and I'm not expecting anything, King Sebastian." His looks are suspecting. " Wala talaga, King Sebastian."sabi ko pa. " Good. " Lumayo siya ng bahagya. Akala ko aalis na siya pero mataman niya lang akong tiningnan na parang may iniisip siya. Nakakalusaw ang mga tingin niya at tagos na tagos. " Tell me, do you love your friend Wes?" My head snapped to face him 'nung marinig ko ang pangalan ni Wes. " A-ano?" Awtomatik na nanginig ako. Lumapit ulit siya at inabot ang scarf ko." Yung kaibigan mong lalaki... I don't like him." Sabi niya habang 'yung isang kamay niya pinaglalaruan yung scarf sa leeg ko. " H-huh?" Nagwawala ang puso ko sa sobrang kaba pero nagawa ko pa rin siyang tignan sa mata nung banggitin niya ang pangalan ni Wes. Shit. Kilala niya si Wes? Hindi. Hindi pwedeng pati si Wes. " So you're protecting him, huh? " Binasa na naman niya ang utak ko. Napasinghap ako nang hugutin niya ang scarf ko. Unti-unti niya tinanggal yung knot doon, exposing my bare skin. Oh s**t. Wala akong magawa, nanghihina ang tuhod ko dahil sa ginagawa niya. Halo- halong emosyon ang nararamdaman ko. I feel hot at the same time vulnerable. He looks like a predator ready to attack it's prey. " P-pa'no mo nakilala si Wes?" kinakabahan kong tanong. " I saw you two talking." sabi niya habang nakatingin sa mata ko. " tell me, did you liked his lips on your cheeks?" Dahil sa sinabi niya pakiramdam ko nag-init ang mukha ko at naalala ko ang ginawa ni Wes. He saw that?! Teka-ano bang kinagagalit niya? It's not like I cheated on him. I'm a trash to him. " Ano bang kinagagalit mo? " kumunot yung noo ko. " You act as if boyfriend kita vampire king!" He smirked then he leaned closer which made my heart skip a beat and my throat run dry. " Sweetheart, the fact is that, he's touching what's mine. You're married to me, remember?" Nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko. It's hot. He also smells mint. " And I don't share. I'm quite selfish when it comes to my possessions." I stared at his eyes for quite long, more like I was drawn to him. Sigurado rin akong naririnig niya ang malakas na kabog ng dibdib ko. Seryoso ba siya? Is he claiming me like some sort of property? Kung kailangan lang niya ako para maging full vampire siya, bakit inaangkin niya ako? Ayokong mag assume ng kahit ano. He don't like me like that and I don't like him like 'that' either. Maybe it's his vampire ego talking. " Hindi naman ako pumayag na makasal sayo, kaya bakit ako susunod sa gusto mo?" Lumayo siya sa'kin at tiningnan ako pababa. " We're at this again huh? You forgot you don't have a choice. Do you want me to kill your friends?" Natigilan ako sa sinabi niya. Gagawin niya yun? " You don't know what I'm capable of." sagot niya sa naiisip ko. Oh, I've witness what you're capable of. Sabi ko sa isip ko. " W-wag mo silang sasaktan." Ngumisi siya at alam kung nabasa niya ang nasa isip ko kanina. " I won't but you need to stay away from that boy. The more you protect him, the more your getting himself in trouble. " then he lean down to my expose neck. Naramdaman ko ang paghalik niya doon kaya nanginig ako. Nung maalala ko kung gaano kasakit ang pagbaon ng pangil niya sa leeg ko ay parang gusto kong tumakbo palayo sa kanya. Pero kahit anong will power ang gawin ko, may kung anong nagsasabi sa utak ko na 'wag gumalaw. Napapikit ako at hinihintay na kagatin niya pero wala akong naramdaman kaya napadilat ako. Pagdilat ko sinalubong niya ako ng halik. It caught me off guard. His kisses were aggressive, taunting and demanding. Nanghina ang tuhod ko at muntik na iyong bumigay buti na lang nasalo niya ako habang hinahalikan pa rin ako. Nung lumayo siya halos hindi ako makahinga. " Stay away from that douche. I won't think twice of killing him and maybe, I will make you watch as I slit his throat." banta niya kaya nanlamig ang buong katawan ko. " And if you want to know more about us, you can ask, I'll give you the accurate information you wanted. I won't hide that kind of information from my mate." And that was his last sentence before he dashed out of the library leaving me with my heart lumped in my throat. Napaupo ako sa sahig na parang nawalan ng lakas. What just happened to me? He literally took my energy. **** Kanina pa ako nakatitig sa ceiling ng apartment ko. It was 2 in the evening and I'm widely awake. Hindi ko na nga naisip na puntahan si Hazel sa bahay nila dahil sa mga gumugulo sa utak ko. Then out of nowhere I unconsciously touched my lips. The feeling of his lips still lingered here. I immediately shrugged the thought. Ano bang nangyayari sa'kin? Why do I feel like..I liked his lips on mine? Urgh! Nababaliw na ata ako. Ngayon ko lang naramdaman 'to. Ganito talaga siguro kapag first time. I always dreamt of a romantic guy who'll kiss me passionately in a very romantic place with a romantic ambiance. Pero gumuho lahat ng dahil sa pesteng bampira na 'yun. Sabihin niyo nga sa'king hindi totoo ang lahat ng 'to. Sabihin niyong hindi ako asawa ng hari ng mga bampira. How come they even existed? Kung totoo man talaga ang lahat ng ito, I don't I can escape him. He made it clear to me. Sebastian... Sebastian... I kept thinking where I heard his name. Baka guni-guni ko lang. Pero ano nga kaya ang pakay niya sa Academy namin? Naalala ko bigla yung suot niya. Yung logo ng Greenstone Academy na nasa polo niya. Hindi kaya... Nag aaral talaga siya dun? Kinabahan ako agad sa naisip ko. He can't be. Napatakip ako sa mukha ko. Gusto kong umiyak. Naiisip ko palang na nandito ako sa ganitong sitwasyon ay parang mababaliw na ako. Tapos si Hazel, paano ba siya napasok sa ganitong sitwasyon? Lord! Nung nag eenie my ni moo ka ba kung sino ang gagawin mong pinakamalas, sa'min bang mag-bestfriend tumapat? O baka sa'kin lang? Baka nadamay lang si Hazel kasi buntot siya ng buntot sa'kin? Simula pa lang talaga hindi na pabor sa'kin ang mga nangyayari. You took my parents away from me. Namatay si papa tapos iniwan pa ako ni mama kung kailan kailangang-kailangan ko siya. Kung sana lang kasama ko sila, hindi sana ako nahihirapan ng ganito. Hindi sana ako mapapasok sa ganitong sitwasyon. Miserable na ang buhay ko, Lord. Bakit kailangang gawin mo pang komplikado? Sabihin niyo? May nagawa ba ako nung bata ako para parusahan niyo ako ng ganito? Di ko na namalayan, na tumutulo na ang luha ko. Sabi ko nang hindi ako iiyak, kaso kusa lang talaga lumalabas ang luha ko. I can deal with all my fears, pero hindi ito. I can't deal with creatures who suck blood to live. Parang napaka-imposibleng isipin na totoo pala talaga sila. Akala ko mga kathang isip lang sila na sinabuhay sa pelikula at mga nobela. Pero ang mga nangyari kahapon ay patunay na totoo talaga sila. Hindi ko na alam ang gagawin. Masyado ng magulo ang utak ko. Sana paggising ko bukas, isa lang itong bangungot at magandang panaginip. Sumagi bigla sa utak ko ang gwapong mukha ni Sebastian nung maisip ko ang magandang panaginip. Oh no. Not again. I groaned inwardly. Pinulupot ko ang kumot sa katawan ko nung makaramdam ako ng lamig. Di ko nga pala naisara yung bintana. Wait..sinara ko yun ah. Napalingon ako agad sa bintana. Nakasara naman ah. Maybe I'm being paranoid. Pagod na akong mag isip. Unti-unting bumigat ang mata ko dahil sa lamig na nararamdaman ko. It was so soothing. " Akin ka." May umihip na hangin sa tenga ko bago ko namalayang nakatulog na ako. ***** Hazel's POV Lumabas ako para bumili muna ng pagkain, masyado na akong nagkukulong sa kwarto ko. Sinabi ko kay Hope na hindi muna ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko, totoo yun. Sa tingin ko nawalan nanaman ng kontrol si Richard sa sarili niya. Everytime I tell him to stop, mas lalo siyang nagiging agresibo. Kasalanan ko naman to eh, I made this choice. Pumayag akong maging slave niya dahil sa utang na loob ko sa kanya. I can't back out to our agreement, dahil.. I don't want to lose him. I love him. Totoo. Pathetic. Nahulog ang loob ko sa kagaya niyang walang ginawa kundi ang inumin ang dugo ko. " Ate, pabili po ng isang burger." sabi ko sa tindera saka niya binigay sa'kin yung burger at nagbayad na rin ako. Naglakad ako papunta sa playground habang kain-kain yung burger. Naalala ko yung nangyari kanina. Hindi ako makapaniwalang nadamay ang bestfriend ko rito. I always wanted to protect her than to protect myself. Pa- saan pa't 'di na rin naman ako magtatagal sa mundo. I felt my chest became heavy. Wala siyang alam sa pinagdadaan ko ngayon, wala 'ring nakaka-alam, maliban kay Richard at ayokong may iba pang maka-alam dahil ayokong kaawaan nila ako. I have stomach defect. Ang sabi ng doctor, magtatagal pa ako ng isang taon pero nagbago yun. Nung kumunsulta ulit ako ang sabi niya, I only have months left, maybe 5 or 6. Ayokong umiyak dahil dun, dahil tanggap ko na, pinaghandaan ko na 'to. Ganito rin ang sakit ni lola nung namatay siya. May milagro ngang nangyari, sabi ni mama isang taon ang taning ng buhay niya pero nagulat sila nung tumagal ng 2 years hanggang sa naging 3 years. Napakabait ni lola sa'kin. Siya lang ang tanging kakampi ko noon sa bahay. Tinanggap ko ang pagkamatay niya kahit masakit. I'm just thankful for the miracle. Sana nga ganun din ang mangyari sakin. Hindi ko na ini expect na magkakaroon pa ako ng pamilya, ni boyfriend nga wala eh. Si Richard lang ang nagsabing girlfriend niya ako. Lagi kaming nagpapanggap sa harap ng ibang tao, kaya nga siguro nahulog ako sa kanya dahil nag-aassume ako na totoo lahat ng pinapakita niya. Pero sa kalagayan ko, kailangan ko ng tanggapin na mabubuhay akong mag isa. Naupo ako 'dun sa swing, naubos ko na rin yung burger ko. Mahilig talaga akong magliwaliw sa gabi kaya nga nakilala ko si Richard. Iniligtas niya ako sa tatlong lalaki na gustong gumahasa sakin 5 months ago. Doon ko nalaman na may nabubuhay na bampira, natakot ako nung una pero iniligtas niya pa rin ako. Akala ko nga kusang loob yun eh, hindi pala. Kapalit ng pagligtas niya sakin ay magiging slave niya ako. Dahil siguro sa utang na loob, pumayag ako. Naalala ko pa kung gaano ako humahanga sa kanya nung una ko siyang makita. His eyes were cold but I can see great loneliness in them. I told myself, "I'll do anything for this sad man." Saka ako napangiti. Napapikit ako saka lumanghap ng sariwang hangin. Maswerte ang mga taong binigyan ng magandang kalusugan, hindi nila kailangang danasin ang hirap na dinadanas ko. Napamulat ako nung makaramdam ng pananakit sa tiyan. Impit akong napa hawak sa tiyan ko dahil sa sobrang sakit. Parang pinipiga ang loob ng tyan ko. Nawalan ako ng balanse at nalaglag sa damuhan. Napahiga ako sa damo at namimilipit sa sakit. Ganito ang nangyayari kapag inaatake ako. And this is no ordinary night pero iba ang sakit na nararamdaman ko ngayon. It's taking my breath away. I want to cry for help but I chose not to. Hahayaan ko na lang kayang mamatay ako rito? Baka bukas may makakita naman sa bangkay ko. " s**t Hazel!" nagising ako mula sa pag iisip nung nakarinig ako ng pamilyar na boses. Richard. Nagulat na lang ako dahil binuhat niya ako. Namimilipit pa rin ako dahil hindi pa rin nawawala ang sakit. Nasalubong ko ang galit niyang mukha. Mukhang alam ko na kung bakit. Ayaw niyang lumalabas ako ng ganitong oras. " S-sorry." sabi ko malapit sa dibdib niya. " You should be. Bukas na ang parusa mo, dadalhin na kita sa ospital. Hold on." Narinig ko pang sabi niya bago ko naramdaman ang hangin na dumadampi sa katawan ko. Bakit ba kailangan niyang gawin 'to? Why does he always shows me he cares for me? Bakit hindi niya na lang niya ako hayaang mamatay? " Hindi ba may klase ka? " I mumbled on his chest. Midnight class kasi si Richard, at alam kong maya-maya lang magsisimula na ang klase. " Who cares? Tingin mo ba talaga pababayaan kitang ganito? Tss. Next time I'll definitely have you locked up in your room." Napangiti lang ako habang nagsasalita siya. Obvious kasi sa boses niya ang pag aalala sa kabila ng galit niya. Maya-maya naramdaman kong dumaloy ang luha sa pisngi ko kaya agad ko itong pinunasan. Kahit ngayon lang, iisipin kong mahal niya ako. Kahit ngayon lang. Naramdaman kong tumigil siya sa pagtakbo. Pag-angat ko ng tingin ko nakarating na kami sa ospital. Bumaba ang tingin sakin ni Richard. " Matulog ka muna, ako ng bahala sayo." Hindi ko naintindihan 'yung sinabi niya pero sinunod ko lang because I know I'm safe. I inhaled his manly scent bago ako nakatulog. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD