Chapter 20:Escape Do not do unto others what you don't want others do unto you. It was my one of my motto. Kahit kailan hindi ko matandaang gumawa ako ng masama sa kapwa ko. Ako lagi ang biktima. Ako ang sinasaktan. Kailanman hindi ako naghiganti sa tuwing may nananakit sa'kin depende kung kailangan na. Hindi ko kailanman naisip na mababahiran ng dugo ang mga kamay ko. Halo-halong emosyon ang bumaha sa'kin habang tinitingnan si Dylan na nanghihinang napaupo sa sahig. Matalim ang ginamit kong pansaksak sa likuran niya pero hindi ko inaasahan na tatagos ang dugo sa dibdib niya. " D-Dylan..h-hindi ko s-sinasadya.." namuo muli ang luha ko at doble-doble ang tahip sa puso ko. Mamamatay ba siya? O my god. Lalapitan ko sana si Dylan kung hindi lang ako nilayo ni Wes. Si Wes. Mas la

