Chapter 21: Almost " Mama! Gusto ko po ng balloon! Hayon oh!"turo ko doon sa mamang nagtitinda ng mga balloon. Gusto ko yung Mickey mouse na balloon! Hinila ko pa ang laylayan ng damit ni Mama para pansinin niya ako. May kausap kasi siyang babae kaya hindi niya ako pinapansin. " Walang sinuman ang dapat makakaalam ng tungkol sa bata." " Alam ko 'yun." sabi ni Mama. " Si Kane, alam kong ginagawa mo 'to para sa kanya. Nahulog na ba ang loob mo sa kanya?" " Hindi ko alam ang sinasabi mo Ashtrid, ang alam ko lang ginagawa ko 'to para sa kapatid ko. Sa ngayon, wala ng ibang mahalaga kundi ang mapabuti ang buhay ng anak ko." " Naiitindihan ko Alissa pero kailangan mong bantayan ang bata.." binaba nung babae ang tingin sa'kin. Inosente ko siyang tiningnan pabalik. " Maraming maghahangad n

