Chapter 15: He doesn't care Reyna... Reyna... Reyna. Paulit ulit na bulong ng isip ko. Ako ba ang tinawag niyang reyna? Sa pagkakatanda ko hindi pa naman napalitan ang pangalan ko. " Kailangan nating umalis bago ka pa makita ng Hari---" Hindi na natapos ni Caressa ang sasabihin nung bumukas ang pulang pinto. Nanlamig ako bigla sa pag-aakalang si Sebastian ang makikita namin ngunit bumungad sa'min ang isang babae. Mapupungay ang mata niya at mapuputla ang labi niya. May mga pulang mantsa sa damit niya. Napalunok ako agad nung mapatingin ito sa'kin pero nag iwas din ito ng tingin. Walang salita ito na yumuko sa amin saka nilagpasan kami. Sinundan ko naman ng tingin ang babae. " S-siya ba y-yung..." Tumango si Caressa. Magsasalita na sana ulit ako nung lumabas si Sebastian mul

