Chapter 16: Pull

2597 Words

Chapter 16: Pull " And here is the throne room." Sabi ni Caressa nung buksan ang malaking pinto. Bumungad sa amin ang isang malaking hall. Napanganga ako nung libutin ng tingin ang buong lugar. Ganitong-ganito talaga ang nakikita kong disenyo ng palasyo sa palabas na Reign at sa Narnia. This place screams royalty! " Ang ganda." nakangiti kong sabi. Nabibighani ako sa ganda ng nakikita ko. Hindi ko naimagine sa tanang buhay ko na makakatapak ako sa ganitong lugar. Feeling ko tuloy para na rin akong prinsesa. Pwede kayang maiyak sa tuwa? Kasi mukhang maiiyak ako. " O my god. Is that tears I see?" Napalingon ako kay Caressa na natatawa habang tinuturo ako. Pinunasan ko agad ang luha ko. " H-hindi noh. Laway ko yun. Tumalsik papunta sa mata ko." Nanlaki ang mata niya." Ano?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD