Lumipas ang mga araw na naging abala sila, lalo na si Joyce na siya ring pagdidisenyo ng magazine nila. Napag-alaman nilang magaling ito sa mga ganoon bagay kaya sa kaniya ito iniatang. May ilang estudyante na pinatulong sa kaniya, pero sila naman ang bahala sa printing and distribution. Simula noong pinakita niya ang kaniyang mga ginawa sa guro, panay ang puri nito sa kaniya. Kaya mas lalo rin siyang na pressure dahil sa ibinigay sa kaniyang mga gawain. Pinagbutihan na lang niya ang kaniyang ginagawa dahil dito. Mabilis niya ring tinapos ito para maipasa niya na agad. Hindi niya na kasalanan kung matatagalan basta pinasa niya ito in advance. Malapit ng matapos at iyon nga, malapit ng matapos ang kakaisturbo niya kay Amelia. Hinihiram niya na naman kasi ang gamit nito para magawa lang

