"HINDI po kami iiwan ni Calvin! Nangako siya sa 'kin. Nangako siyang mabubuo kami, ikakasal pa po kaming dalawa sa simbahan! Hindi maaaring basta na lamang niya kami iiwan ng anak niya. Sabi niya mahal niya kami, kaya hindi niya kami iiwan ng ganoon na lamang!" mga sigaw ni Mina. Pakiramdam ni Mina itinatago lamang sa kanya ang asawa. Hindi siya maaring maniwalang wala na ang asawa niya. Sa puso niya nararamdaman niya si Calvin. May kung ano sa kanya na nagsasabing buhay ang asawa niya. "Huminahon ka, Mina." "Nay, pano po ako hihinahon kung sinabi ninyong wala na ang asawa ko? Ang dami naming plano na dal'wa. Masaya na kami bago pa ang araw ng kasal namin. Sa isang iglap bigla na lamang mangyayari ito. Gusto kong makita kung si Calvin nga ang nakita nila. Nasaan ang asawa ko?" nanghikl

