NARATING agad nila Mina ang bahay ng mga Dela Fuente. Nang mamukhaan siya ng guwardiya sa labas ay pinapasok sila sa loob. Ito ang unang beses na nakapunta siya sa bahay ng mga magulang ni Calvin. Mansyon na ang malaking bahay ng mga ito, moderno at mamahalin ang mga gamit sa loob. Hindi naman siya pormal na ipinakilala ng asawa niya sa kanila. Likas sa asawa niya ang pagiging independent sa lahat ng bagay. Ni hindi nito kinunsulta ang sariling magulang tungkol sa relasyon nila. Walang nakakahadlang sa gusto nitong gawin sa buhay niya. Napansin na agad ni Mina na wala sa bahay ng mga Dela Fuente nakaburol si Calvin. "Nasaan po si Calvin?" Nasa likuran ni Mina ang ina at ang kapatid niya. Lumapit ang mag-asawang Dela Fuente kay Mina. "Mina, napasyal ka." Sa halip ay iyon lamang ang naku

