33

1012 Words

NAGING tahimik si Mina. Walang gana sa lahat. Kahit si Cay ay napapabayaan na. Maigi na lamang nakaalalay ang kanyang ina sa kanya. Maging ang mga kapatid niya ay tumutulong para alagaan si Cay. "Anak, 'wag ka namang ganyan. Sabihin mo sa akin ang lahat ng sama ng loob mo. Huwag mong kulungin ang isip mo sa pag-iisip kay Calvin. Andito pa si Cay, kami, si Totoy. Lumaban ka kahit na hindi para sa amin. Kundi para sa sarili mo," sabi ni Minda sa anak. Tulala si Mina na nakatingin lang sa kawalan. Tumulo na lang ang luha niya sa kanyang mata. Mabilis niya iyong pinunasan saka humarap sa nanay niya. "Nay, sirang-sira na po ang buhay ko, ang buhay naming mag-ina. Iniwanan na kami ni Calvin. Nangako siya, sinabi niya sa akin na hindi niya kami iiwan. Bago pa lang kami bubuo ng mga masasayang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD