Inabot ni Sherwin sa akin ang biniling kape. Doon lamang ako nakabalik sa wisyo. Ngumiti ako sa kaniya at tinanggap ang kape. Nasa ibaba kami ng hospital, sa cafeteria. “Anong nangyari? Parang pinagbaksakan ka ng langit at lupa.” Naupo siya sa harapan ko. Tinitigan ko ang kape na binili niya. Mainit iyon at umuusok pa. Hawak ko ang paligid ng paper cup pero parang wala akong maramdaman na sakit. I was too focused on feeling the pain inside. “Mas mabuti ba talaga na hindi na lang bumalik ang alaala ko?” wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Natigilan siya at pinakatitigan ako. Ang mga mata niya ay nagpakita ng pag-aalala at pagtataka. Bumuka ang bibig niya pero walang salita na lumalabas. Mapait akong ngumiti. “I am not welcome in his world, as if I am an intruder trying to get in.

