Kabanata 5 - Pagbabalik tanaw

1303 Words
Pagbabalik tanaw sa nakalipas na isang taon. NASA rooftop ng umagang iyon si Coult sa bahay nila mismo at roon nagpasyang magpalipas ng oras. Masakit pa ang ulo nito nang nagdaang gabi dahil sa nangyaring kasiyahan sa kanilang mansiyon. Kasiyahang hindi niya inaasahan sa kaniyang pagdating kung anong mayroon. Mula sa kaniyang kinapupwestuhan ay napansin niya ang paghinto ng isang tricycle sa tapat ng magara nilang gate. Inisip niya noong una na baka isa sa kawaksi nila ang lalabas mula roon na marahil may binili lamang sa pamilihan, pero isang dalagitang babae ang umibis mula sa tricycle na iyon. Nakasuot lamang ito ng isang maikling short na pambahay na hanggang kalahati ng hita ang haba at naka kulay red na loose shirt at tsinelas lamang ito na sapin sa paa. Simpleng pananamit lamang ang suot nito pero hindi iyon naging sagabal para hindi niya mapansin ang simpleng ganda na mayroon ito. Ewan ba kung bakit biglang bumilis ang pintig ng puso niya dahil sa simpleng dating nito para sa kaniya. Mula dito sa itaas ay pinanood niya ang bawat kilos nito. Natanawan din niya si Manang Alicia na isa sa mga kawaksi nila na matagal ng naninilbihan sa kanila kahit noon bata pa siya. I Ito na rin ang pinaka mayordoma nila rito sa mansiyon ngayon. Ito ang lumabas para puntahan ang dalagitang iyon at saglit na nag-usap. Marahil may sinasabi itong isang napakahalagang bagay. Maya-maya ay tila napansin niya na nagpaalam na ang kanilang kawaksi sa babaeng kausap at nagmamadali nitong iniwan ang dalagita. Ayon pa sa kaniyang pagmamatyag ay tila nadismaya pa ang babae sa ginawang iyon ng kanilang matandang kawaksi. Natanaw rin niya ang paglakad na nitong papalayo sa gate nila na tila bagsak ang balikat at lulugo-lugong umalis. Dahil sa nasaksihan ay mabilis siyang bumaba ng rooftop at hinanap si Manang Alicia para alamin kung ano ang pakay ng babae na iyon at dumayo pa rito sa kanilang mansiyon. Naabutan naman niya ito na papunta na sana sa kusina. "Manang, good morning po," pagbating wika ni Coult sa matanda nilang kasambahay na nasa edad Singkwenta na marahil. "Good morning din po Senyorito. May ipag-uutos po ba kayo?" tugon naman ng kawaksi rito. "Wala naman po Manang. May gusto lang sana akong itanong sa inyo," wika ni Coult. "Ano po iyon Senyorito?" saad naman ng kawaksi. "Iyon pong babae sa labas nang gate na nakita ko pong kausap niyo kani-kanina lang, sino iyon at ano po ang kailangan niya?" "Ah, si Mayella po iyon Senyorito. Anak siya ng isang kawaksi rin dito na uwian naman. May tinanong lamang pero hindi naman po mahalaga kaya huwag niyo na lamang pansinin," wika ni Manang Alicia kay Coult. Kumunot ang noo ni Coult sa sinabing iyon ng kawaksi sapagkat ang alam niya sa mga kasambahay nila ay stay in sapagkat iyon ang isa sa rules ng kaniyang Daddy sa bahay na iyon kapag namasukan ka bilang katulong ng mansiyon sa simula't simula pa man. Kaya hindi niya napigilan ang magtanong. "Ang sabi ninyo po uwian. Kailan pa po pinayagan ni Daddy ang ganoon kalakaran sa mga kasambahay rito, Manang?" tanong ni Coult. "Simula ng mag-umpisa siyang magtrabaho rito, tanging si Helena lang ang kasambahay na uwian sa mansiyon na ito Senyorito, ang iba naman po ay mayroong day off na isang araw lamang sa loob ng tatlong buwan," saad naman ni Manang Alicia." "Ganoon po ba." Sinabayan pa ito ng pagtango ni Coult. "Pero bakit siya lang Manang? Parang nakakapagtaka naman po iyon." "Naku, Senyorito, hindi ko na po masasagot pa iyan, pasensiya na po," saad ni Aling Alicia na nakapagtatakang biglang naging parang balisa sa tanong ni Coult. "Kung inyo pong mamarapatin ay maiwan ko na po sana kayo Senyorito at may gagawin pa po kasi ako sa kusina," muling saad ni Aling Alicia. "Sige po Manang, salamat po," wika naman ni Coult. Matapos kausapin ni Coult si Aling Alicia ay bumalik siya sa kaniyang silid upang mag-shower sapagkat masakit pa rin ang kaniyang ulo. Baka kung sakaling iligo niya ay mawala na ang sakit nito. Nabanggit din ng Daddy niya na kakausapin nga raw siya nito ngayong umaga. Marahil tungkol iyon sa kanilang negosyo. Lihim na lamang siyang napailing nang sinabi iyon sa kaniya, sapagkat tila wala itong planong pagpahingahin muna siya at gusto ata'y isabak na agad siya sa trabaho. Hindi talaga uso sa Daddy niya ang salitang stay back and relax first. Napailing din siya ng maalala niya na nakita itong may kasamang babae sa silid nito kagabi ng puntahan niya. Napansin din niya na may hawak ang ama na isang bagay na hindi niya alam kong ano. Dahil itinago nito bigla sa likuran nito. Tiningnan niya ang babaeng nakahiga sa kama ng patalikod mula sa gawi niya na naka kumot. Marahil ay natutulog ito. Hindi nga lang niya nakita ang mukha ng babae sapagkat naka talikod iyon na pahiga. Baliwala lang naman sa kaniya na makita itong may babae. Sapagkat babaero naman talaga ang kaniyang Daddy at alam ng Mommy niya iyon. Kaya nga nasa America ito sapagkat isa ito sa dahilan ng ina. At isa nga rin iyon sa dahilan kung bakit nahimok siya ng kaniyang Mommy na sa Amerika na rin magpatuloy ng pag-aaral at doon ay kumuha ng Master's Degree. Upang mailayo nga raw sa pangit na imahe ng ama sa paningin niya. Lingid sa kaalaman ng kanilang mga kanayon ang ganitong imahe ng ama. Kailangan maging lihim nga lang sapagkat may iniingatan ang kaniyang Daddy na imahe na hindi dapat mawala na tatak ng epilyido nilang Pineda sa bayan nila rito sa Pampanga, higit lalong dito sa bayan nila ng Pradera. Ngunit hindi sa loob ng kanilang mansiyon. Sapagkat ang lahat ng kanilang mga tauhan na sa kanilang mansiyon naninilbihan ay kailangan maging bulag sa kung ano man ang nakikitang hindi tama. At kasama na rin ang pagiging pipi rin ng mga ito. Kapag may lumabag sa mga ito ay may kaakibat na kaparusahan na hindi nanaisin ng kahit na sino man na mangyari sa kanila. Kaya nga ng magtanong siya kay Manang Alicia kanina at hindi niya nakuha ang sagot sa isa sa mga tanong niya ay ipinagwalang-bahala na lamang niya, na kung tutuusin ay ayos lamang na malaman niya iyon dahil anak naman siya. Ganoon ka-loyal ang mga ito sa kaniyang Daddy. Ayos lang naman sapagkat malalaman din naman niya iyon sa katagalan. Ang mga naninilbihan sa kanila sa loob ng mansiyon ay tikom ang mga bibig hindi na talaga iyon nakakapagtaka. Dahil nga may patakaran ang ama sa bahay na ito. Naisip rin niya na marahil ay isa lang ang babae na iyon sa mga pinaglalaruan ng ama at ginagawang apple of the eye sa ngayon. Ilan na nga ba ang dumaan sa Ama na babae nito? Halos hindi na niya mabilang sa rami dahil saksi siya roon noong nandito pa siya nag-aaral at kasa-kasama ang ama. Ang mga iyon ay mga kusang dumarating at kusa rin naman mga naglalaho. Matapos makapaligo ni Coult ay muli siyang nagtungo sa kusina upang hanapin si Aling Alicia. Hihingi siya ng gamot dito para sa kaniyang sakit ng ulo. Eksakto naman iyon na nanduroon pa. "Manang may gamot ho ba kayo sa sakit ng ulo, napakasakit po kasi ng ulo ko," wika niya sa matanda. "Ay, Oho Senyorito, saglit lamang at ikukuha ko po kayo." Iniwanan siya nito saglit upang ikuha nga siya ng gamot. Agad iyong inabot sa kaniya ni Manang Alicia ng muli itong bumalik na may dala na rin isang basong tubig. "Salamat ho, Manang," nakangiti niyang turan sabay abot sa gamot at tubig. "Senyorito, pinapasabi po pala ng Daddy niyo na puntahan mo raw siya roon agad sa library room ngayon umaga sapagkat may nais raw pong i-discuss sa inyo roon. "Sige po Manang salamat po ulit," wika ni Coult.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD