AGAD ngang nagtungo si Coult sa Library Room kung saan naroon ang ama upang kausapin siya. Malakas ang kutob niyang tungkol na ito sa trabahong pamamahalaan niya na malamang ay isa sa mga negosyo nila. Hindi na nag-abala pa si Coult na kumatok at diretso na lamang pumasok. Nadatnan niya ang ama na may binabasang news paper. May tasa ng tsaa sa gilid ng table nito na gawa mula sa mahogany tree at may pasak na sigarilyo ang bibig. "Daddy!" tawag ni Coult sa presensiya ng ama na agad naman nagtaas ng paningin nito sa kaniya. "Sit down Son," anito sa kaniya ng kaniyang ama. Pinatay muna ng ama ang sigarilyo gamit ang isang ashtray bago ito humarap sa kaniya para kausapin siya. "Well, Son. First off all I would like to say that I am glad that you are here now," muling wika ng ama. "Well,

