NGAYON ang unang araw ni Coult sa Golf Club kasalukuyan na siyang nasa opisina. Eksakto lamang ang oras ng dumating siya rito. Nang may kumatok sa kaniyang pintuan ng tatlong beses bago iyon kusang bumukas. Si Michelle iyon na kaniyang Secretary na ang Daddy niya mismo ang pumili para sa kaniya. Sa tingin niya ay nasa trenta na ang edad nito at may itsura din naman na simple lang. "Good morning po Sir," nakangiti nitong bati kay Coult. "Good morning too," seryosong turan naman ng binata rito." "Dala ko na po ang mga resume ng mga aplikante natin for new Caddie, heto po." Inilapag nito sa table ni Coult sa mismong harap niya ang mga folder. Ginawa nito iyon sa dalawang grupo. Napakunot nang noo si Coult sapagkat ang isang grupo ng mga folder ng resume ay may naka sulat na with backer h

