"MAYELLA!" tawag ng Manager nilang si Ysabellah sa kaniya habang naghihintay ng player na matatapat sa kaniya. "Ma'am." Agad tumayo si Mayella ng makita ang paglapit ng kanilang Manager. "Since ikaw ang available ikaw na ang mag-Caddie roon sa player na naghahanap ng mag-a-assist sa kaniya pero daanan mo siya roon sa lobby ng hotel dahil naroroon pa siya. May pagtatakang tiningnan niya ang kanilang Manager dahil sa sinabi nito. "Bakit nasa lobby pa po ng Hotel kung planong maglaro?" "Hindi ko alam." Sabay kibit balikat nito." Baka plano kang pagbitbitin muna ng mga gamit sa room niyang tutuluyan sa Hotel Verde." Ang Golf Course Club na iyon kasi ay may pinaka Hotel rin sa loob. Karamihan sa mga banyagang turistang naglalaro ay roon na rin mga tumutuloy lalo na 'yun mga ilang araw la

