KAHIT ano'ng palag talaga ang ginawa ni Mayella ay hindi talaga siya ibinaba ng Nobyong Si Coult. Napakadali lang nitong gawin sa kaniya na bitbitin ng ganoon dahil malaking tao ito. Sobra-sobra na ang pagtawag ng pansin ang ginagawa nito sa paligid. Sabagay kahit naman noong hindi pa ladlad ang relasiyon nila ay ganito na ito. Hindi nga ba't madalas siya nitong ipatawag sa opisina nito noon para lang maglambing sa kaniya at magkuwentuhan sila ng mga sweet nothing. Doon pa lang ay halatado na ang ginagawa nito kahit pa rito pa mismo nanggaling ang salitang sikreto lang muna ang relasiyon nila. Kaya ito talagang nobyo ang may sala kung bakit natuklasan ng ama nito ang relasiyon nilang pilit nilang itinatago noon. Pero ayos na rin naman kahit paano na ganito na sila ngayon ng nobyo. Ayaw

