NANG makarating sila sa bahay ng kaibigan si Cecill ay sa silid nito sila agad dumiretso sapagkat naroon ang laptop ng kaibigan. "Magbibihis muna ako bago natin tingnan yun laman ng flashdrive," wika ni Cecill sabay abot na rin dito ng bagay na iyon. "Pero kung gusto mo ng mauna ikaw ang bahala. Iniaabot niya na rin kay Mayella, ang laptop na kinuha niya sa loob ng drawer ng kaniyang cabinet kasabay ng pagkuha na rin niya ng pamalit na damit bago pumasok sa banyo para magbihis na muna. Actually, puwedi naman na agad na nila iyon panoorin ng kaibigan kaya lamang ay kinakabahan siya dahil nauna na nga niya iyon napanood. Kumukuha lamang siya ng buwelo lalo at hindi basta-basta ang mga nilalaman noon. Bilang naunang nakapanood niyon, nararamdaman niyang sensitibo ang totoong panyayari sa

