"MAYELLA, hoy!" Napapitlag siyang bigla ng kalabitin siya ng kaibigang si Cecille. Nasa locker room siya at naghahanda na sana sa pag-uwi ngunit. . . "Bakit?" tanong niya sa kaibigan na nagtataka. "Parang mas ako yata ang dapat magtanong sa iyo niyan." Kunot noong tanong ni Cecillle rito. "Ilang araw ko ng napapansin na parang wala ka sa sarili mo. Nakuha nang maubos ng mga kasamahan natin rito at nagsipag-alisan na para umuwi, pero ikaw nakatulala pa rin hanggang ngayon. Ayos ka lang ba?" wika ni Cecille. Iginala ni Mayella ang paningin sa paligid at tama ang kaibigan na sila na lamang dalawa ang naroroon. "Ahm, Si Coult, kasi," saad niya. "Oh, anong problema mo kay Sir?" "Anniversary na namin ngayon pero hangang ngayon ay hindi niya pa rin sinasagot ang mga tawag at text ko sa k

