"DAMN IT!" malakas na mura ng Daddy niya sa kaniyang harapan. Mababanaag ang galit sa tinig nito. Hindi inaasahan ni Coult ang galit ng ama ngayon. Pinapunta siya nito sa Library agad-agad kahit kadarating pa lang niya at sinabi sa kaniya na nawawala ang flashdrive roon. Itinanatanong nito iyon sa kaniya kung kinuha niya ba? "Anong flashdrive ang tinutukoy niyo, 'Dad?" tanong niya sa ama. Kinabahan siya bigla sa magiging sagot nito at pumasok ang isang hinala. 's**t! Hindi maaaring ang flashdrive na tinitukoy ni 'Dad ang kaisa-isang ebidensiyang magpapatunay sa totoong nanyari kay 'Nay Helena.' aniya sa isipan. Paanong mawawala ito roon eh, plinano pa lang niya iyon kunin sana noong gabi ng okasiyon kung saan sinamantala niya ang pagiging abala ng ama sa mga bisita. Hindi nga lang niya n

