HABANG tinatahak ni Charles ang daan na sinabi sa kaniya ni Tita Jho kung saan maaaring naroon si Nanay Helena ay lihim niyang ipinagdarasal na sana ay walang ibang tao sa paligid para makausap na niya ito. Nagtataka man kung ano ang ibig sabihin ni Nanay Helena sa mensaheng iyon ay mabibigyan na ng linaw ngayon. Mabuti na lang at hindi masiyadong maaraw ngayon kaya naman ayos lamang maglakad. Natatanaw na niya ang lumang kubo na sinasabi sa kaniya kaya mas binilisan na niya ang ginagawang paglakad pra makarating na rin doon agad. Wala si Nanay Helena sa harapan bahagi ng bahay kaya tinangka niyang umikot sa likuran bahagi naman para doon naman ito tingnan. Ngunit wala rin ito roon. Kaya nagpasiya siyang pasukin na ang loob. May kalumaan na nga ang kubo at makikita iyon sa itsura nito

