"MAYELLA! " tawag sa kaniya ng kaibigang si Cecill. Nalaman niya na nasa opisina si Coult at ipinapatawag siya nito roon. Patungo naman sana siya sa kanilang supervissor at nais na niyang magpaalam na uuwi na. Kaya saglit siyang huminto para hintayin makalapit sa kaniya ang kaibigan. "Bakit?" aniya sa kaibigan. "Saan ang tungo mo?" tanong nito sa kaniya. "Pupuntahan ko si Ma'am Yzabella". "Ganoon ba, saglit lamang at may ibibigay sana ako saiyo," saad ni Cecill. "Ano naman iyon?" nagtatakang tanong naman ni Mayella. "Mas mabuting ikaw suguro ang may hawak nito kaysa sa akin," wika ni Cecill. Tiningnan niya ang tinutukoy nito. Agad naman niyang kinuha iyon buhat sa kamay ni Cecill. "Huwag kang mag-alala, Mananatiling lihim sa akin ang nilalaman niyan," saad nito sa kaniya pa. "S

