"FIRST of all, I'm sorry about last nigth," paunang bungad na salita ni Coult sa kaniya. "May dahilan ako kung bakit ko ginawa iyon?" Pinakatitigan niya ang nobyo, kasabay ng paghigpit ng ngayon ay hawak niyang flashdrive na nakapatong sa kaniyang mga hita. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang nagsalita. "Ano'ng dahilan mo?" tanong ni Mayella sa nobyo na pinilit maging kampante. Nakikinita niya na kung ano ang dahilan nito at kung bakit siya nito nais maka-usap. Nararamdaman din niyang hindi lang ito tungkol sa hindi nito pagpunta kagabi sa kaniya. Na may mas mabigat pa itong dahilan dahil kung ang pagkaseryoso at sinseridad sa tono ng panbunga na salita nito ang pagbabatayan niya sa nobyo ay iba ang dating nito sa kaniya. Hindi naman na agad nagsalita si Coult, bagkus

