MULING nakatanggap ng tawag si Charles mula sa hindi pamilyar na numero sa kaniyang Cellphone. At nang kaniyang sagutin iyon ay napag-alaman niya na si Cecill ang tumatawag. Hindi pa nga pala niya sini-save ang numero nito nang una siya nitong beses tawagan kaya tinanong pa niya kung sino ito. "Hello, Sir Charles, si Cecill po ito?" narinig niyang salita ni Cecill sa kabilang linya. "Cecill, ikaw pala iyan? Hindi ko pa kasi naise-save ang numero mo kaya nangapa pa ako kung sino ka," paliwanag niya rito. "Pasensiya na," saad ni Charles. "Ayos lamang po, wala naman po iyong problema. Sasabihin ko lang sana na naibalik ko na kay Mayella iyong flashdrive kaninang tanghali," turan naman ni Cecill. "Mabuti naman kung ganoon. So, Kumusta na siya ngayon?" tanong niyang may pag-aalala para sa k

