Chapter Two BUDDY GUARD

1113 Words
"Hindi ako makapaniwala sa nangyari!" ang takot na sambit ni Janie kay Eric. Nakaupo pa din si Ted sa tabi ni Akio at nakikinig sa usapan ng mag asawa. "Ano ba kasi ang nangyari?" tanong naman ni Eric. "Wala naman nangyari! Dinampot ko lang ang manika ni Akio. Hindi niya maabot kaya pinulot ko." katuwiran ni Ted, kahit na di siya marinig ng mag-asawa. "Halika! Doon tayo sa kusina at mag usap tayo. Huminahon ka muna mahal." ang matiwasay na sabi ni Eric kay Janine at inakay nito ang asawa. Lumakad na palabas ng kwarto ang mag asawa at ikinuwento ni Janine ang nasaksihan niya sa kwarto ng anak. Narinig iyon ni Ted, tumawa siya dahil tinawag siyang multo ng nanay ni Akio. "Hindi ako multo, ano ka ba naman, may multo ba na ganito ang itsura?" anito ni Ted. "Alam ko na pagod ka sa pag aasikaso sa anak natin. Okay lang magpahinga kapag tulog ang bata. Huwag kang magpapakapagod." ang habilin ni Eric sa asawa. "Paano mo maipapaliwanag ang nakita kong lumutang papunta kay Akio ang manika?" ang tanong ni Janine kay Eric. "Kalimutan mo na. Kung may kasama man tayo sa bahay na ito, kung multo man iyan. Tayo ay magpasalamat at wala siyang ginagawang masama sa atin. Hayaan mo na! Kausapin mo na lang na bantayan tayo palagi." iyon ang paliwanag ni Eric sa kaniyang asawa upang di na ito mag alala pa. LUMIPAS ang labin dalawang taon at malaki na si Akio. Fourteen years old na ito. Nasa high school na siya at lumaking masayahing bata. Katulad noon ay hindi pa din siya pinababayaan ni Ted kahit na matagal na panahon na siyang nagbabantay dito. Isang araw habang nasa library itong si Ted kasama si Akio ay may isang bagay siyang naisip gawin. Nais na niyang magpakilala kay Akio. Subalit sa paanong paraan niya ito gagawin? Nakabuntot lang si Ted kay Akio habang siya ay naghahanap ng libro na magagamit niya sa kaniyang project. Nag isip si Ted kung sa paanong paraan ba niya makakausap si Akio ng hindi niya kailangan magpakita dito. Mula doon sa shelf ay may napansin si Ted na isang booklet, nasa likod ito ni Akio, kung kaya ay kinuha niya iyon at binuksan. Wala naman laman na nakasulat sa loob ng mga pahina. Isa isang binuklat, at binusisi. Nagtataka ito kung bakit wala namang laman at nasa shelf pa din. "Para saan naman to?" nagtatakang tanong ni Ted sa isip. Sa halip na ibalik niya iyon sa shelf ay itinago niya ito. May naiisip siyang gawin sa booklet na iyon. Kulay green ang cover, at may kalumaan na din tingnan. "Pwede ko itong masulatan nang sa ganoon ay mabasa niya!" ang bulong niya sa isip. Nakabuntot pa din siya kay Akio, tila natatakot na matalisod ang bata, o di kaya ay mauntog. Natatakot siyang mawala sa kaniyang paningin si Akio kung kaya hanggang sa eskwela ay kasama siya. Natuto na din siyang magbasa at magsulat dahil sumasabay siya sa pagpasok nito sa klase mula noong pre school. Isang anino na kailanman ay di mawawala sa piling ni Akio. Nakaupo si Akio at nagsusulat. SAMANTALA si Ted naman ay nasa harap ni Akio. Pinagmamasdan niya ang mga mapupulang pisngi nito. Parang kailan lang, baby pa at karga karga niya. Ngayon ay malaki na at may sariling isip na din. Naiisip niya baka oras na din na magpakilala siya dito sa paraang iniisp. Subalit hindi doon at hindi ngayon. Hindi niya pwedeng damputin ang ballpen ni Akio upang magsulat sa booklet. Minsan ay nagsisisi din siya kung bakit niya pinili na di na magpakita kay Akio mula noong tumuntong na ito ng tatlong taon dahil natatakot na baka di na siya kaibiganin ng bata dahil matatakot ito sa kaniya. Kung kaya ngayon ay namomroblema siya kung papaano niya ipakikilala ang sarili sa kaniya. Ilang minuto pa ang lumipas at may lumapit kay Akio na isang kaklase niya. “Aki Aki, akin na ang assignment mo sa history!” utos ni Andrew, isang bully sa school na pinapasukan ni Akio. “Hala! Andrew wala dito ang assignment ko. Naiwan ko sa bahay.” ang katuwiran ni Akio dahil ayaw niya ibigay ang ginawa niyang assignment. Madalas ay nangongopya lang itong si Andrew sa mga kaklase niya, isang batang tamad gumawa ng gawain at nasanay na lang mangopya. Tumayo si Ted at nilapitan si Andrew. Tinitingnan niya ito, binabantayan si Akio dahil natatakot kung ano ang gagawin ni Andrew. “Marunong ka din pala magsinungaling Akio?” ang tanong ni Andrew. “Totoo naman, wala dito ang assignment ko.” Katuwiran niyang muli Akma na sanang kukunin ni Andrew ang kwaderno ni Akio na nakalapag sa mesa. Ngunit di ito hinayaan ni Ted. Bahagya niyang tinulak si Andrew papalayo doon. Nagulat si Andrew na tila mayroong dumampi sa kaniya na malamig na hangin na bigla ay napalipat siya ng puwesto. Humakbang ulit si Andrew at muli ay akma niyang dadamputin ang kwaderno ni Akio. Sa ikalawang hakabang ni Andrew ay hinarang ni Ted ang paa nito upang tuluyan ng matalisod si Andrew. Napatayo si Akio, dahil iniiwasan na siya ay masagi ni Andrew. Tuluyan ngang bumagsak sa sahig si Andrew. Tumawa itong si Ted. “Kay lampa ng batang ito!” iyon ang bulong ni Ted sa kaniyang sarili. Nagulat naman si Akio dahil sa nangyari, na mag isa lang naman si Andrew at nangyaring nadapa itong mag-isa. Alam naman niyang walang kung anong sagabal sa daanan dahil tiled naman ang sahig ng library. Sinubukan tulungan ni Akio si Andrew, subalit dali dali itong tumayo at tumakbo na palabas dahil napahiya. “Ano nangyari doon? Tanong ni Akio sa sarili. Si Ted naman ay tawa ng tawa. Muling naupo si Akio, di niya namalayan na ang kaniyang ballpen ay nahulog sa sahig. Pinulot iyon ni Ted. Naisip na niya kung papaano niya makakausap si Akio sa paraan na di niya kailangan humarap dito. Lumakad siya papalayo kay Akio, iyong kahit malayo ay kita niya pa din kung ano ang ginagawa nito. Kinuha niya ang kulay berde na booklet at doon ay nagsimulang sumulat sa unang pahina. Matapos niyang isulat ang mga salitang iyon sa unang pahina ay dahan dahan niyang itinabi sa mga gamit ni Akio. Maingat na inilagay nang hindi siya maramdaman nito. Naupo siya sa harap ni Akio. Kinakabahan na hindi mapansin ang nilagay na booklet. Ilang minuto ay nagligpit na si Akio ng mga gamit na inilatag nito sa mesa. Isa isang inayos ang mga papel na may sulat at mga notebook niya. Nahawakan niya ang booklet at may kung anong kakaiba siyang naramdaman noong nahawakan niya ito. Binuklat niya iyon sa unang pahina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD