May binasang mga salita:
“Bagay na di makita ay may halaga.”
Naka kunot noo lang si Akio dahil iyon lamang ang laman ng booklet. Naisip niya kung iyon ba ay kay Andrew, subalit naalala niya na walang dala si Andrew noong lapitan siya nito. Kung kaya ay minabuti niyang ibalik sa book shelf dahil marahil daw ay naisama lang niya noong bumunot siya ng aklat mula sa shelf.
Sa di kalayuan ay mayroong nagmamasid kay Ted at Akio. Hindi ito naramdaman ni Ted na isang nilalang hindi kauri ng mga tao ang nagmamasid sa kanila. Tila katul;ad din niya na nakabuntot lang kay Akio. At itong nilalang na ito ay sa kaniya nakaabang.
Sa sobrang abala ng pagbibigay ng proteksiyon kay Akio ay din niya napapansin ang mga nasa paligid.
Uwian na ng mga estudyante. Nagsisiksikan ang mga ito sa hallway. Si Ted naman ay naglalakad din katabi ni Akio.
Nakakatuwang tingnan dahil sa kanan at kaliwang bahagi niya ay mayroong espasyo na makikita dahil walang sino man ang bumabangga sa kaniya. Maluwag na maluwag ang daanan ni Akio.
Iyon ay dahil sa itinutulak ni Ted ang lahat ng pwedeng dumikit kay Akio.
Dumaan si Akio sa isang convenience store, at sumama din itong si Ted. Alam niya na bibili lang iyon ng paborito nitong inumin ang cran berry juice.
Kahit kalian ay di iyon maalis sa kaniyang pang-araw-araw na ginagawa.
Noong nasa cashier na si Akio ay iniabot niya ang kaniyang loyalty card sa cashier upang ma ipunch ang presyo ng babayarin sa biniling aytem. Bubunot n asana ng pera si Akio para bayaran, subalit.
“Miss pwede mo gamitin ang points mo para ma purchase mo ito, pwedeng huwag ka na magbigay ng cash, gusto mo ba icredit natin sa points?” ang alok ng cashier
Natigilan si Akio, napakunot ang noo. Papaanong magkakapoints na siya dahil noong nakaraan lang siya kumuha ng loyalty card, at sigurado siya na di pa sapat ang mga naipon niyang points doon.
“Sigurado ka po Miss na may laman na iyan?” tanong ni Akio sa cashier.
“Yes po! May laman nasa one thousand points po. Pwede niyo pa dagdagan ang bibilhin ninyo.” iyon ang sinabi ng cashier.
Nagulat ngayon itong si Akio dahil imposible naman na magkalaman dahil hindi naman marami ang pinamimili nito sa store.
“Ah! Miss, huwag na lang. Babayaran ko na lang muna.” hindi pa din makapaniwala si Akio dahil sa ang laki ng laman nito.
Napapangiti si Ted, dahil sa hiwagang nangyari sa card ni Akio. Iniisip niya na makakatulong iyon upang mapadali ang pagbili ni Akio ng mga pangangailangan niya sa araw araw kung sakaling di ito makapagdala ng pera.
Lagi niya iniisip ang kapakanan ni Akio.
Lumabas silang dalawa ng convenience store.
“Paano naman nagkalaman itong card ko? Ilang araw pa lang naman ito sa akin, ano yun? May freebie na isang libo?” tumawa si Akio habang binubuksan ang inuming juice na binili.
Nagpatuloy ito sa paglalakad at ganoon din si Ted.
May nakasalubong silang isang babae. Bilugan ang mga mata, Matangos ang ilong, may kulay ang buhok na mahaba at morena ang kulay ng balat.
Hindi iyon nilingon ni Ted, pero nilingon iyon ni Akio dahil bahagyang dumikit ang balat nito sa kanyang braso.
Hindi napansin ni Ted ang pangyayaring iyon. Nagpatuloy lang din siya sa paglalakad hanggang sa umabot na sila ni Akio papunta sa sakayan ng Jeep.
Nakikisabay din siya sa mga tao sa jeep, laging may lugar para sa kaniya. Dahil ginagawan niya ng paraan na walang aakyat na ibang pasahero kapag malapit ng mapuno ang jeep.
Laging convenient ang pakiramdam ni Akio araw-araw dahil kay Ted.
Narating na nila ang bahay, si Ted ay tumungo na din sa bahay niya. Nais din niya magpahinga dahil mahaba ang araw nila sa eskwela.
Si Akio naman ay pumasok na sa kaniyang kwarto. Binuksan ang bag upang kumuha ng laptop niya. Napansin niyang dumikit ang booklet na green sa kaniyang laptop.
Kinuha niya ito ng dahan-dahan. Nagtataka kung paano at naroon naman iyon.
Binuklat niya ulit iyon upang masiguro kung iyon na nga ba ang iniwan niya sa book shelf bago siay lumabas ng library.
Nang buksan niya
“Oh? Bakit andito ka naman? Hindi ba kanina ay iniwan kita sa book shelf? May pagka engkanto ka ba?’ ang tanong niya sa booklet.
Inilapag niya ito sa mesa at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Binuksan niya ang laptop at nagsimulang mag bukas ng internet doon sa study table niya.
Habang abala si Akio sa ginagawa ay pumasok ang mama niya, si Janine.
Bumukas ang pinto.
“Nak? Andiyan ka na ba?” tanong nito mula doon.
“O Ma, oo kakarating ko lang.”
“Kamusta naman ang school?” lumapit ito sa anak at naupo sa kama.
“Ma okay lang. Siya nga pala may sasabihin ako.” bungad ni Akio.
“Ano iyon?” tanong ni Janine
“Kanina sa convenience store, nagulat ako, kasi itong loyalty card ko bigla nagkalaman ng one thousand points. Di ko naman nilagyan Ma. Nagtataka ako kung saan galling, o paano nangyari na nagkalaman ba?” kwento ni Akio sa Ina.
“O? paano nangyari at ang laki naman?” tanong naman ni Janine.
“Hindi ko nga po alam. Parang nai-engkanto ako dito.” tumawa siya.
“Alam mo nak, parang kailangan ko ng tulong mo kasi ang dami ng orders ng cup cakes para bukas. Pwede mo ba ako tulungan maghanda?” pakiusap ni Janine sa anak.
“Ah, sure Ma, close ko lang po ito susunod ako sa kitchen.”
Lumabas ng kwarto si Janine at sumunod nga si Akio.
Narinig ni Ted ang pag-uusap ng mag-ina. Pumasok ito sa bahay ng mga Sanchez at dumiretso sa kwarto ni Akio.
Kinuha niyang muli ang booklet na nakapatong sa mesa.
Muli ay nagsulat naman ito ng isang matalinhagang mensahe upang mabasa ni Akio.
Tila nagkaroon na siya ng lakas ng loob na lumabas sa pagtatago sa loob ng mahabang panahon. Ngayon ay kaya na niyang mangusap kay Akio ng hindi kailangan magpakita.
Matapos niyang sulatan ang ilalim na bahagi ng unang pahina ay inilatag niya ang booklet sa mesa.
Biglaang narinig niya ang boses ni Akio na papalapit na sa kwarto.
“Saglit ma, may kukunin lang ako sa kwarto.”
Dahil sa narinig ay nasagi ni Ted ang cord ng charger ng laptop ni Akio na nakasaksak pa.