Chapter Four Past Narinig ni Akio ang tunog mula sa loob ng kaniyang kwarto. Nagtaka siya kung ano ang nangyayari sa loob, dahil wala naman talagang tao doon. Tanging siya at ang mama niya lang ang nasa loob ng kanilang bahay. Kaya naman ay naisipan nito na puntahan at masilip kung ano ang nangyayari sa loob. Mabilis siyang naglakad papalayo sa kusina. Noong hahakbang na siya papasok ng pintuan, ay biglaang tumunog ang door bell mula sa gate. Natigilan siya Bumaling ng tingin si Akio patungo sa labas. Napaisip kung papasok pa sa kwarto o magbubukas ng gate. Umatras ito at iniwan na nakabukas ang pintuan ng kaniyang kwarto. Si Ted naman ay hingal na hingal na nagtatago sa likod ng pinto. Iyong tipong akala niya na talagang mahuhuli siya nito. Subalit ang buong akala niya na mahuhu

