TATLONG taon ang lumipas. Ted POV Umaga na at heto ako nakatunganga sa aking higaan sa loob ng aking mumunting tahanan. Tila kay tahimik ng buong paligid. Nakakapanibagong katahimikan na kahit himig ng mga ibon ay hindi ko mapakinggan. Bumangon ako sa pag-iisip na marahil ay nasa labas na ang mag-inang Janine at Akio. Kadalasan sa ganitong oras ay abala na silang dalawa sa pag-aasikaso sa kanilang mga pananim. Dumangaw ako sa labas. Upang tingnan kung naroon na sila. Subalit wala akong makitang tao doon. Nagsalubong ang aking mga kilay sa nakitang tahimik na hardin. Inilabas ko ang aking sarili upang tumingin-tingin. Napailing akong napangiwi. Wala din akong nakita. Diretso kong binaybay ang terasa subalit walang naroon. Napahinto ako ng hakbang ng masulyapan kong wala doon ang sasa

