AKIO BUMANGON ako ng wala sa sarili. Nasaan ako at hindi naman ito ang flat ko. Tumayo ako at inikot ko ang lugar. This looks like a condo, I guess. Malaki para sa isang tao, then maybe there is a family who lives here. “Gising ka na pala,” sabi ng tinig mula sa likod ko. Mabilis akong lumingon upang malaman kung sino ito. “Sir?” nagsalubong ang aking kilay sa aking nakita. Ano ang ginagawa ko rito na kasama siya? “I have prepared our breakfast, come and join me,” saad nito. Napaka-pormal naman niya magsalita. Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. I can feel his heart beats fast. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naramdaman ko na yayakapin ko siya. “Aki,” sabi nito. He calls me like I am so familiar with him. Bakit? Hindi ko maintindihan kung paano na nararamdaman kong mata

