TED NAPIGILAN ko ang lalaking ‘yon na itakas si Akio. “Sino ka?” tanong ko rito. Lumingon siya at binitawan si Akio. Hindi ko man lang naamoy na hindi siya katulad ng mga tao sa aming paligid. Paano nagtiwala si Akio sa isang ‘to? “Bakit ka nangingialam?” tanong niya nang magsalubong an gaming mga mata. “Mangingialam ako dahil akin ang kinukuha mo,” sabi ko. “Kaya pala,” sabi nito at inilayo ng bahagya si Akio mula sa aming pagitan. Nakalutang ito sa ere at walang malay na nakadilat ang mga mata. Parang inilagay niya sa ilalim ng kaniyang mahika na hindi na ito makagalaw. “Ibaba mo siya ng marahan, ako ang kaharapin mo kung may kailangan ka,” sabi ko dahil sa takot na may mangyari kay Akio. Hinding-hindi ko hahayaan na mapahamak siya dahil ipinangako ko ito sa aking sarili na kailan

